VeritasPH

The Word, The Truth

Putulin ang ugat ng isyu ng child soldiers

SHARE THE TRUTH

 166 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng pagdiriwang natin ng Araw ng Kalayaan kahapon ay ang paggunita sa World Day Against Child Labor. Itinuturing ang child labor na isa sa mga pinakamalubhang porma ng pang-aabuso sa mga bata, isang hadlang sa kanilang pag-unlad bilang tao. Ayon sa International Labor Organization o ILO, ang Pilipinas ay may tinatayang 3.2 milyong mga batang biktima ng child labor, at marami sa kanila ay matatagpuang nagbabanat ng buto sa mga plantasyon at sakahan.

Child labor din ang sapilitang pagkuha sa mga bata upang gawing mga sundalo ng mga grupong kumakalaban sa pamahalaan o naghahasik ng terorismo. Kaya naman, pangunahing tuon ng World Day Against Child Labor ngayong taon ay ang mga batang naiipit sa gitna ng digmaan at kalauna’y nasasangkot sa marahas na pakikipaglabanan.

Ang paggamit sa mga bata bilang mga sundalo ay matagal nang isyu sa ating bansa. Noong 2015, iniulat ng embahada ng Amerika sa Pilipinas na mayroong mga armadong grupong katulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, New People’s Army, at Abu Sayyaf na nagre-recruit ng mga bata. Pebrero ngayong taon nang palayain ng Moro Islamic Liberation Front (o MILF) ang mga batang sundalong kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o nanilbihan sa Women Auxiliary Brigade ng MILF. Sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng ating pamahalaan at mga armadong grupo sa Marawi, napag-alaman ding gumagamit ang Maute Group ng mga batang sundalo.

Nakalulungkot, mga Kapanalig, na sa halip na nasa paaralan ang mga bata at libro at lapis ang kanilang hawak, naroon sila sa gitna ng gulo at baril ang bitbit. Sa halip na sila ay lumaki sa isang mapag-arugang pamilya at sa mapayapang pamayanan, namumulat sila sa karahasan. May nakahaing panukalang batas ngayon sa Senado na naglalayong iligtas ang mga batang naiipit sa digmaan mula sa mga kumukuha sa kanila upang gawing sundalo. Ang pangunahing estratehiya ng Senate Bill 1474 ay ang pagtatatag ng mga tinatawag na “zones of peace” sa tuwing mayroong sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng mga kalaban nito. Sa pamamagitan ng mga “zones of peace,” magiging mahirap para sa mga armadong grupo na mag-recruit o sapilitang kumuha ng mga batang gagamitin nila sa kanilang operasyon. Bagamat ang mas ideyal na kalagayan ay ang kawalan ng giyera at gulo, ang pagdedeklara ng “zones of peace” ay mainam na ring hakbang upang mapangalagaan ang mga karapatan at matiyak ang kapakanan ng mga bata sa mga tinatawag na conflict areas.

Iskandalo para sa atin sa Simbahan ang patuloy na paggamit sa mga bata bilang sundalo. Tulad ng kalagayan ng mga batang namamasukan nang walang bayad at pinagtatrabaho sa mga taniman o minahan, ang mga batang pinaghahawak ng armas para sa layuning hindi nila lubusang nauunawaan ay lantarang pag-abuso sa kanila, tahasang paglapastangan sa kanilang dignidad, at malinaw na pagnanakaw ng kanilang kinabukasan.

Sa isang pahayag noong Disyembre, ikinalungkot ni Pope Francis ang patuloy na pagkakauwi sa mga kamay ng mga bata ng mga armas na nilikha gamit ang makabagong teknolohiya. Patuloy ang paghimok niya sa lahat gumawa ng mga hakbang upang tuldukan na ang isyu ng child soldiers. Ngunit upang wakasan ito, kinakailangang magsimula sa mga balangkas ng ating lipunan na ginagawang posible ang paggamit sa mga bata bilang sundalo. Walang mga batang sundalo sa isang lugar na mapayapa. Walang gulo sa isang maunlad na lugar. Walang kahirapan sa isang makatarungang lipunan. Kapayapaan, kaunlaran, at kahirapan ang nagtutulak sa mga taong kumapit sa patalim at gumamit kahit pa ng mga bata para sa kanilang pansariling interes.

Sa patuloy na sagupaan ng pamahalaan at mga armadong grupo, alalahanin natin ang mga batang humahawak ng armas. Nawa’y maging matapat ang pamahalaan sa pagtahak ng daan patungo sa kapayapaan lalo na para sa mga bata.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,034 total views

 11,034 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,079 total views

 19,079 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,159 total views

 24,159 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,866 total views

 29,866 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,654 total views

 38,654 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,035 total views

 11,035 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,080 total views

 19,080 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,160 total views

 24,160 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,867 total views

 29,867 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,655 total views

 38,655 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,592 total views

 40,592 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,906 total views

 54,906 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,596 total views

 58,596 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,199 total views

 57,199 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,186 total views

 67,186 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,154 total views

 71,154 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,041 total views

 82,041 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,480 total views

 94,480 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,238 total views

 105,238 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,491 total views

 52,491 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top