Obispo, nanawagan ng suporta sa Parish-Forest program ng Diocese of Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

 2,706 total views

Hinimok ng pinunong pastol ng Diyosesis ng Tagbilaran ang mananampalataya na suportahan ang programang ‘Parish-Forest’ ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Alberto Uy layunin ng programa na mapalawak ang mga kagubatan sa lalawigan ng Bohol sa pangunguna ng simbahan.

Naniniwala ang obispo na mahalagang paunlarin ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang maayos na kalidad ng hanging malalanghap ng mamamayan.

“Mga igsuon palihog tabangi ninyo ang programa sa Diocese of Tagbilaran ‘Parish Forest’, matag parokya naay gam-ong lasang; mahimo kining tinuod kong kitang tanan magtinabangay [Mga kapatid suportahan ninyo ang programa ng Diocese of Tagbilaran na ‘Parish-Forest’, bawat parokya magpapaunlad ng kagubatan; maisasakatuparan ito kung lahat tayo ay magtutulungan],” ayon sa mensahe ni Bishop Uy.

Kaugnay nito umapela ang obispo sa mga mamamayan na may mga lupang nakatiwangwang partikular sa mga bulubunduking lugar na makipag-ugnayan sa kanilang mga parokya at makiisa sa nasabing programa.

Ibinahagi ni Bishop Uy na dalawa hanggang tatlong ektarya ang tinitingnang lawak bilang panimula sa ‘Parish-Forest’ program.

Itatanim dito ang mga ‘fruit-bearing trees’ at mga native na punongkahoy tulad ng narra.
Ito ay patuloy na pagsasabuhay sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si kung saan hinimok ang bawat isa na pangalagaan ang nag-iisang tahanan upang maiwasan ang tuluyang pagkasira nito.

Aktibo ang obispo katuwang ang mga lingkod ng simbahan, mga kabataan at iba’t ibang organisasyon sa Bohol sa pangangalaga ng kalikasan.
Tiniyak ni Bishop Uy sa mamamayan na kung may matutukoy ng lugar para sa Parish-Forest nakahanda ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan ng Bohol sa tulad ng Bohol Environment Management Office sa pagbibigay ng mga punong itatanim.

Sa kasalukuyan may 58 ang mga parokyang nasasakop sa Diyosesis ng Tagbilaran at maging bahagi sa nasabing programa.

Magandang pagkakataon din itong proyekto lalo’t ipinagdiriwang ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre ang Season of Creation na may temang ‘A Home for all? Renewing the Oikos of God”.
Umaasa ang obispo na makiisa ang mamamayan sa magandang hangaring palawakin ang pangangalaga sa kalikasan para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 79,875 total views

 79,875 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 90,879 total views

 90,879 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,684 total views

 98,684 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 111,929 total views

 111,929 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,455 total views

 123,455 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,364 total views

 12,364 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top