Social media platforms ng Simbahan, importante sa epektibong pagpapalaganap ng layunin ng ONE GODLY vote

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,025 total reads

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng social communication ministry ng Simbahang Katolika para sa pagpapalaganap ng layunin ng eletion campaign na One Godly Vote para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs sa online launching ng One Godly Vote na election campaign ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communications na binubuo ng Radyo Veritas 846, TV Maria at Archdiocesan Office of Communications.

Ayon sa Pari, napakalawak at napakahalaga ng tulong na maidudulot ng social communication ministry ng Simbahang Katolika upang maipalaganap ang One Godly Vote election campaign lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan mas nakatutok ang mamamayan sa paggamit ng iba’t ibang social media platform.

“Practical yung magiging impact nito at saka palagay ko enormous talaga yung magiging impact niya sa campaign ng One Godly Vote kasi kung hindi man nakakapunta halimbawa yung mga tao sa labas para mag-gather ay yung access nila sa social media ay talagang napakalaking tulong para sa pagbibigay ng impormasyon.” pahayag ni Rev. Fr. Secillano sa online launching ng One Godly Vote.

Pagbabahagi ng Pari, bukod sa pagpapalaganap ng impormasyon at layunin ng One Godly Vote sa pamamagitan ng mainstream media tulad ng radyo at telebisyon ay mahalaga ring magamit ng Simbahan ang social media platforms bilang daluyan ng impormasyon kabilang ang mga plataporma ng mga kandidato at paninindigan ng mga ito sa mga polisiyang tunay na nakaaapekto sa bawat isa.

Giit ni Fr. Secillano, ang paggamit ng social media platforms ay isa ring epektibong paraan upang higit na maabot at mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan kaugnay sa mga usaping panlipunan.

“Binaggit ko din na ito [social media platforms] ay gagamitin din natin talaga para i-blast yung mga information about political platforms, about candidates’ platforms, about the quality of the candidates, about the policies na nakakaapekto sa atin, so yung information dissemination ay talagang ginagawa ngayon sa social media aside from the mainstream media katulad ng television and radio so ito talaga ay makakatulong sa mga kabataan lalong lalo na dahil sila mismo ay babad sa social media.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Una ng inihayag ng Pari na layunin ng One Godly Vote election campaign na gabayan ang bawat botante sa maka-Diyos na pagpili ng mga bagong opisyal ng bayan na nangangahulugan sa pagsasantabi ng mga botante sa kanilang pansariling kapakanan at pagbibigay prayoridad sa tunay na ikauunlad at ikabubuti ng bayan lalo na ang common good o kabutihan ng mas nakararami.

Matatandaang una nang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluhang pamamaraan ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 72,434 total reads

 72,434 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 109,808 total reads

 109,808 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 141,069 total reads

 141,069 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 213,845 total reads

 213,845 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 304,535 total reads

 304,535 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 30,251 total reads

 30,251 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top