Obispo ng Balanga, napiling pangulo ng ICMC-Asia Oceania

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Nagpapasalamat at humingi ng patnubay si Balanga Bishop Ruperto Santos makaraang mahalal bilang miyembro ng International Catholic Migration Commission (ICMC).

Si Bishop Santos ang tatayo bilang pangulo ng ICMC Asia Oceania Working Group.

Si Bishop Santos ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ay kasalukuyang nasa Roma na dumalo sa pagtitipon.

“It is recognition of dedication and commitment of our Philippine Catholic Church to the welfare and wellbeing of our migrants. Our Church through the years is silently and selflessly working for pastoral and spiritual advancements, serving them through protecting and promoting their rights and dignity,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Bishop Santos.

Inihayag ni Bishop Santos na ang pagkakapili sa kanya ay isang pagkilala ng international community sa mga ginagawang hakbang ng simbahan sa Pilipinas sa pangangalaga sa ating mga kababayang migrante.

Naniniwala din ang obispo na malaki ang maitutulong nito sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) at iba pang mga migrante para sa pagtatanggol sa kanilang karapatan habang malayo sa sariling bayan at ang paggabay sa mga ito sa pamamagitan ng mga chaplains sa iba’t ibang bansa.

Sa tala, umaabot sa 10 milyon ang mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo.

“The international community, especially the ICMC acknowledges that our Church walks and works with migrants, and we are their trusted and dependent partners to-welcome and to work for the good of migrants and refugees; to protect them and to promote their wellbeing; and to assist them for a safe, decent work and life,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Pope Francis sa mga dumalong miyembro ng ICMC sa kanilang pagtulong sa mga migrants at refugees na nangangailangan.

Sa mensahe ni Pope Francis sinabi nitong higit sa kasalukuyang panahon na tulad ng pangyayari sa nakaraan ay mahalagang itaguyod, bigyang pagpapahalaga at ipagtanggol ang mga inaapi, inuusig na siyang mahalagang misyon ng simbahan.

Umaabot sa 65 milyong migrante sa buong mundo na sapilitang lumikas sa kani-kanilang bansa dulot ng kahirapan, karahasan at digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 817 total reads

 817 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 36,395 total reads

 36,395 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 72,879 total reads

 72,879 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 91,090 total reads

 91,090 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 175,383 total reads

 175,383 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top