4-katao, napapatay kada araw sa Oplan Tokhang ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa sa mga kababaihan ngayong Women’s Month ang koalisyon na Manananggol Laban sa Extra Judicial Killings o MANLABAN sa EJK na binubuo ng mga abogado, hukom, legal workers, legal practioners, law professor at law students.

Layon ng koalisyon na isulong ang pagbibigay respeto at halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng isang indibidwal sa gitna ng War on Drugs ng pamahalaan.

Ayon sa Manlaban sa EJK, hindi ang mga nasawi sa extrajudicial killings ang humaharap sa mas mabigat na pagsubok sa halip ay ang mga kababaihan, mga bata at mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Iginiit ng MANLABAN sa EJK na bukod sa pagbibigay ng katarungan sa kaso ng mga namatay sa War on Drugs ng pamahalaan ay dapat ring tutukan ang malaking epekto at resulta ng karahasan sa lipunan lalo sa mga naulilang pamilya.

Sinabi ng grupo na ang mga kababaihan ang higit na apektado dahil sila ang pumapasan sa mas mabigat na responsibidad para sa pamilya.

“For every tokhang victim, there is a woman wailing beside. Out there are ten thousand mothers who have borne the personal brunt of the loss of a husband or a child. It’s also the women who will be picking up the breadwinner mantle and teaching the children how to cope up with grief and anger, with dignity and honor.” pahayag ni Atty. Neri Colmenares, chairperson ng Nation Union of People’s Lawyers at isa sa mga Convenor ng MANLABAN sa EJK.

Nanindigan ang MANLABAN sa EJK na sa loob ng 19 na buwan ng administrasyong Duterte ay nagpapatuloy pa rin ang madugong kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga kahit pa sa ilalim ng revived Tokhang o ang Oplan Tokhang na muling inilunsad noong ika-29 ng Enero na mayroong mga panibagong guidelines at safeguards.

Sa tala ng MANLABAN sa EJK mula ng muling inilunsad ang Oplan Tokhang noong ika-29 ng Enero hanggang ika-14 ng Pebrero umaabot na sa 65 ang mga nasawi na halos katumbas pa rin ng 4 na indibidwal kada araw.

Kaugnay nito, una nang nagpahayag ng suporta ang MANLABAN sa EJK sa patuloy na panawagan ng Simbahang Katolika kaugnay sa pagkundina sa patuloy na karahasang idinudulot ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,113 total reads

 61,113 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,610 total reads

 147,610 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,646 total reads

 190,646 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,405 total reads

 240,405 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,653 total reads

 398,653 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top