Pigilan ang “Ecocide”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Umaasa si Joel Palma, President and CEO ng World Wide Fund for Nature Philippines na magiging mas malalim at makahulugan ang magaganap na Earth Hour simula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya ng gabi sa ika-24 ng Marso, 2018.

Ayon kay Palma, sa temang “Connect to Earth” ay bibigyang diin ang mga suliranin sa Biodiversity ng mundo.

Sinabi ni Palma na ang tema ngayong 2018 ay iniugnay noong nakaraang taon na patungkol sa climate change dahil ang samu’t-saring buhay sa kagubatan at karagatan ang pangunahing naaapektuhan ng matinding pagbabago ng klima.

“It’s just getting deeper dun sa issue which is connect to the Earth because at the end of the day everything that we use, we need is actually coming from our planet, our environment so dapat maging conscious tayo dito dahil kung mawala ito, mawawala ang [pinagkukunan ng] mga pangangailangan natin. So connect to earth is just very basic that we have to take care of the planet so the planet can take care of us.” pahayag ni Palma sa Radyo Veritas.

Samantala, naniniwala si Palma na ang tungkulin ng pangangalaga sa kalikasan ay dapat gampanan ng lahat ng tao maging anuman ang kanilang relihiyon o pinaniniwalaan.

Paliwanag ni Palma, malinaw na naipahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical na Laudato Si na mahalagang kilalaning mabuti ng tao ang pagkakaiba ng mga bagay na kinakailangan ng tao sa mga bagay na kagustuhan lamang.

Umaasa ang WWF na sa ganitong paraan ay mapoprotektahan ang kalikasan at mapepreserba ang taglay nitong yaman para sa susunod pang henerasyon.

“It’s the responsibility of everybody and in the faith community whether Catholic whether other faiths we are all one because we are all living in one planet and lahat naman ng teaching is really to be able to use [the environment] sustainably. Ang problema kasi we use so much and merong factor na we need so much pero iba yung need iba yung want and I think this is what the Pope has basically articulated most of the time it’s already wants rather than needs and kapag sumosobra ang wants it will be at the expense of the future generation.” Dagdag pa ni Palma.

Kaugnay nito, noong nakaraang taon ay tinatayang 7-libong mga siyudad mula sa 180 mga bansa ang nakiisa sa Earth Hour habang sa Pilipinas naman ay umabot sa 713 munisipalidad at 29 na mga provincial governments ang lumahok sa naturang pagdiriwang.

Humigit kumulang 166-Meggawatts ng kuryente ang tinatayang natipid sa loob lamang ng isang oras na pagpapatay ng mga ilaw at iba pang electrical appliances noong 2017.

Ngayong taon ang ika-11 taon nang pagdiriwang ng Earth Hour magmula noong 2007 at patuloy na nakikiisa dito ang iba’t-ibang mga organisasyon kasama na ang Simbahang katolika.

Sa tulong ng taunang pagsasagawa ng Earth Hour naniniwala ang mga Obispo ng simbahang katolika na panandaliang nakapagpapahinga ang daigdig, at dahil dito, umaasa ang mga ito na maipagpapatuloy ang ganitong mabubuting gawain para sa kapaligiran, upang mapigilan na din ang “ecocide” o pagpatay sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,069 total reads

 61,069 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 147,566 total reads

 147,566 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 190,602 total reads

 190,602 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,361 total reads

 240,361 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 398,612 total reads

 398,612 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,337 total reads

 23,337 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,981 total reads

 52,981 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,825 total reads

 45,825 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top