Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Migrasyon tungo sa mga Syudad

SHARE THE TRUTH

 1,372 total views

Hindi na bago sa ating bayan ang pagdami ng mga mamamayang nagpupunta sa mga syudad upang makakita ng mas maginhawang buhay.

Sa ngayon nga, umaabot na ng mahigit 12 million ang nakatira sa Metro Manila, at dumarami pa ito kahit na mas malubha ang pagsikip hindi lamang ng traffic, kundi ng mga residential areas, lalo na sa mga informal settlements.
Ang pangyayari ito ay hindi lamang sa ating bansa nangyayari. Ayon sa report ng World Bank, mahigit pa sa apat na bilyong tao sa mundo, o mas marami pa sa kalahati ng pandaigdigang populasyon, ay nakatira na sa mga syudad. Pagdating ng 2050, inaasahang madodoble ang urban population. Maari maging 70 sa 100 katao ang nakatira na sa mga syudad.

Malaking hamon ito kapanalig. Kakayanin ba ng ating mga syudad ang pagdami ng populasyon sa darating na panahon?
Sa ngayon nga, hirap na hirap ang Metro Manila harapin ang mabilis na paglaki ng populasyon nito. Ang kapasidad ng ating mega city ay banat na banat, kapanalig. Ang EDSA, anim na libo lamang ang carrying capacity kada araw kada isang direksyon. Ngayon, mga 7,500 na sasakyan ang gumagamit nito kada oras kada direksyon.

Maliban sa traffic, kapanalig, nag-aagawan na rin sa espasyo para sa mga tirahan ang marami nating mga mamamayan sa mga syudad. Ayon sa World Bank, mahigit kumulang isang bilyon maralitang tagalungsod ang nakatira na sa mga slums at informal settlements. Sa Metro Manila, umabot na ng halos tatlong milyon ang informal settlers.

Ngayon pa lamang, parang kay hirap gawin sustainable ang ating mga syudad. Ano ba ang ating maaring gawin?
Isa rito kapanalig ay ang pagpapalakas pa ng mga local government upang epektibo nilang matugunan ang mga hamon sa kanilang mga syudad. Kailangang maitaas nila ang kanilang revenues upang makapagtatag sila ng mga imprastraktura na makakapangalaga sa paglago ng mga syudad. Kailangan din na mapalakas ang mga lokal na gobyerno sa mga kanayunan upang makapagbigay din sila ng mas maraming oportunidad sa mga mamamayan upang hindi na nila kailangang lumayo pa kakahanap ng magandang buhay.

Kapanalig, ang Mater et Magistra ay nagpapa-alala sa atin na isa-alang-alang tuwina ang kabutihan ng balana, at dapat, ang mga nasa kapangyarihan ang mas masusing magbantay nito. Ang pagtitiyak ng sustainability ng ating mga syudad ay isang paraan ng pagtitiyak ng kabutihan ng balana. Ito ay moral na obligasyon ng bawat isa sa atin, lalo na ng mga taong may hawak ng kapangyarihan sa ating lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 30,724 total views

 30,724 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 41,854 total views

 41,854 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 67,215 total views

 67,215 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 77,658 total views

 77,658 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 98,509 total views

 98,509 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 2,819 total views

 2,819 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 30,725 total views

 30,725 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 41,855 total views

 41,855 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 67,216 total views

 67,216 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 77,659 total views

 77,659 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 98,510 total views

 98,510 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,228 total views

 94,228 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,252 total views

 113,252 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 95,926 total views

 95,926 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 128,544 total views

 128,544 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 125,560 total views

 125,560 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top