Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basura at ang Panlipunang Responsibilidad ng bawat Mamimili

SHARE THE TRUTH

 1,020 total views

Kapanalig, ang basura ay isa sa mga pinakamalaking problema ng maraming mga syudad ngayon sa ating bansa. Ang problema ng basura ay mas lalo pang pinalala ng mabilis na urbanisasyon, pagtaas ng populasyon, at industriyalisasyon.

Ayon sa datos ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC), tuloy tuloy ang pagdami ng basura sa ating bansa. Mula 37,427 tonelada kada araw noong 2012, umakyat na ito ng 40,087 tonelada noong 2016. Halos kalahating kilo ng basura ang nalilikha ng bawat mamamayan bawat araw.
Ang Metro Manila ang may pinaka-maraming bilang ng basura sa bansa. Mga 9,213 tonelada kada araw ang nakukuha mula dito, sunod naman sa Region 4A na umaabot sa 4.440 tonelada ng basura kada araw. Pangatlo ang Region 3, kung saan 3,890 tonelada ang basura kada araw. Kailangan mapigil ang pagdami ng basura. Ang zero-waste movement ay isang paraan upang magawa ito.

Narinig mo na ba ang zero-waste movement? Ito ay isang lifestyle alternative na pinipili ng mas maraming tao, lalo na sa mga highly urbanized countries. Ito ay ang uri ng pamumuhay kung saan nilalayon ng tao na halos walang basura siyang malilikha sa kanyang lifetime.

Maraming maaring magawa upang maisabuhay ang zero-waste lifestyle. Isa dito ay ang pagbawas ng pag-gamit ng plastic. Lubhang nakakasira ng ating mundo ang plastic, kapanalig. Padami ng padami ang basurang plastic, at ayon sa mga siyentipiko, tinatayang 299 million tonelada ng plastic ang nalikha noong 2013, at noong 2015, mga 297.5 milyong tonelada ang nakonsumo ng tao. Kada taon, mga walong milyong tonelada naman ng plastic ang natatapon sa ating mga karagatan.

Ang zero-waste movement ay mahirap gawin, ngunit ito ay hindi imposible. Maliban sa pagbabawas ng pag-gamit ng plastic, maari rin tayong mag recycle at gumamit ng compost pit. Maari rin nating bantayan ang ating pag-konsumo, kapanalig, at siguraduhin na ang kailangan lamang ang ating kukunin. Sayang naman kung laging bibili at sa basura lamang sila matatagpuan sa huli.

Si Pope Francis ay may akmang gabay ukol dito mula sa kanyang Laudato Si: Ang pagbabago sa ating uri ng pamumuhay ay maari ring umudyok sa ating mga lider, mapapolitika, panlipunan, at ekonomiya, na magbago rin ng gawi. Kapag ang mga konsumer ay sinusuri ang kanilang binibili at ginagamit, binabago rin nito ang operasyon ng mga negosyo, at hinihikayat nito na suriin ang kanilang carbon footprint pati mga paraan ng produksyon. Kaya’t napakalaki ng panlipunang responsibilidad ng mga konsumers. Ang pagbili at pag-gamit ay isa ng moral act sa gitna ng napakalawak na degradasyon ng ating mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 16,261 total views

 16,261 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 66,986 total views

 66,986 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 83,074 total views

 83,074 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 120,296 total views

 120,296 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 10,046 total views

 10,046 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 10,391 total views

 10,391 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Bihag ng sugal

 16,262 total views

 16,262 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 66,987 total views

 66,987 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 83,075 total views

 83,075 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 120,297 total views

 120,297 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 117,143 total views

 117,143 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 97,734 total views

 97,734 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 98,461 total views

 98,461 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 119,250 total views

 119,250 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 104,711 total views

 104,711 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »
Scroll to Top