Ipatigil na ang pagpaslang sa mga environmentalist

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total views

Kinondena ng Kalikasan People’s Network for the Environment ang pagpaslang sa environmentalist na si Ricardo Mayumi mula sa Tinoc, Ifugao Province, noong ika-2 ng Marso.

Ayon kay KPNE National Coordinator Leon Dulce, sa kabila ng mga tawag at mensahe ng pagbabanta sa buhay ay matapang na ipinaglaban ni Mayumi ang kanilang ancestral land sa hangarin ng Sta. Clara International Corporation na magtayo ng malaking dam.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pakikiramay si Dulce at nangakong sasamahan ang pamilya ni Mayumi sa paghahanap ng katarungan.

“Death calls, death messages, and images of death blankets failed to make Mayumi cower and give up their struggle. The suspected hired goons and paramilitary troops responsible for shooting and masterminding the killing should be caught and jailed. We express our grievances with the Mayumi family in their moment of great sorrow as we join them in calling for justice for their slain kin,” bahagi ng pahayag ni Dulce.

Bunsod nito, nanawagan ang grupo sa administrasyong Duterte na gumawa ng paraan upang matigil na ang ginagawang pagpaslang sa mga makakalikasan lalo na sa mga katutubong lumalaban upang protektahan ang kanilang lupang ninuno.

Sa pagtataya ng Kalikasan-PNE si Mayumi na ang ika 54 na environmentalist na napaslang sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan sinabi ng grupo na umaabot na sa 159 ang kaso ng environment-related killings simula noong 2001.

Dahil dito lumabas sa pag-aaral ng international advocacy group na Global Witness, na noong 2017 ay naging pangalawa ang Pilipinas sa buong mundo sa mga deadliest country para sa mga environmentalists.

Sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang mga nagtatanggol sa kalikasan dahil ipinahihiram nila ang kanilang tinig sa kalikasang nilikha ng Diyos na araw-araw ay nanganganib na maubos at maglaho.

Naniniwala rin ang Santo Papa na sa kanilang pagtatanggol sa sanilikha, ay itinataguyod din nila ang buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 20,224 total views

 20,224 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 42,229 total views

 42,229 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 66,571 total views

 66,571 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 90,418 total views

 90,418 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 124,689 total views

 124,689 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,508 total views

 302,508 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top