Mag-ingat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Pinaalalahanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS ang mamamayan ng Albay na patuloy na maging maingat sa kabila ng paghupa ng aktibidad ng bulkang Mayon.

Ayon kay PHILVOCS director at Department of Science and Technology (DoST) Undersecretary Renato Solidum, kailangan pa rin mag-ingat at manatiling mapagmatyag ang mga residente sa kabila ng bahagyang pagpanatag ng bulkan at pagbaba ng tiyansang magkaroon ng malakas na pagsabog.

Sinabi ni Solidum na kailangan pa ring pairalin ang distansya sa bulkan o ang 6 kilometer danger zone dahil may mga naitatala pa ring pagyanig at lava flow.

“As long as ma-maintain natin ang distance mula sa bulkan ay wala naman tayong significant na danger. Ang importante sundin ang pinapairal na danger zone at kailangan nating gawin yan dahil may eruptions pa rin na nangyayari,” ayon kay Solidum.

Una na ring ibinababa ang babala sa alert level 3 mula sa dating alert level 4, kaya’t mahigit sa 50,000 evacuees ang nakauwi na sa kanilang mga tahanan.

Binalaan din ni Solidum ang mamamayan ng Albay na mag-ingat sa lahar flow kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan at bagyo.

“Sa mga susunod na panahon kung sakaling malakas ang ulan o bumagyo, yung posibilidad na magkaroon ng lahar sa mga ilog na nagmumula sa Mayon na nandiyan na dapat pag-ingatan. Ito ay dapat na paghandaan before hand ng local government at mga kababayan natin sa paligid ng volcano,” ayon kay Solidum.

Kabilang sa mga bayan na naapektuhan ng pagliligalig ng bulkan ang Guinobatan, Camalig, Daraga, Bacacay, Malilipot, Sto. Domingo at lungsod ng Ligao, Legazpi at Tabaco Albay na bahagi ng 7 hanggang 8 kilometro o extended danger zone.

Mananatili naman sa evacuation centers ang may 3,000 pamilya o 10,000 katao na naninirahan sa 6 na kilometro mula sa bulkan.

Patuloy naman ang apela ng tulong ni Legazpi Bishop Joel Baylon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees na hindi pa makakauwi sa kanilang tahanan.

Huling sumabog ang bulkang Mayon taong 2014, habang naitala naman ang pinakamapinsala nitong pagsabog noong 1814 kung saan 2,000 katao ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,022 total reads

 45,022 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,387 total reads

 130,387 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,123 total reads

 177,123 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 224,995 total reads

 224,995 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,867 total reads

 326,867 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top