Obispo ng Infanta, nanindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,280 total views

Nanindigan ang Prelatura ng Infanta laban sa lumalalang suliranin ng katiwalian at kawalang katarungan sa bansa.

Ayon kay Bishop Dave Capucao, ang katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan ay mga sugat na patuloy na nagpapabigat sa krus ng mahihirap, lumalapastangan sa dangal ng tao, at pumipinsala sa kinabukasan ng bayan.

“Hindi ito maliit na pagkukulang ng pamahalaan — ito ay kasalanang sumasalungat sa kalooban ng Diyos,” pahayag ni Bishop Capucao.

Iginiit din ng obispo na ang bawat pondong ninanakaw, pekeng proyekto, at pagsira sa kalikasan ay nagdudulot ng kagutuman at kapahamakan sa mga pamayanan.

Dagdag pa ni Bishop Capucao, ang katahimikan at pagpapabaya sa ganitong gawain ay pagnanakaw sa pag-asa ng susunod na henerasyon.

“Hindi tayo maaaring manahimik. Tulad ni Maria na nakatindig sa paanan ng Krus, tayo rin ay tinatawag na manatiling matatag sa harap ng kasamaan, kasakiman at korapsyon,” ayon sa obispo.

Mariin namang nanindigan ang Prelatura sa pagtataguyod ng katotohanan at pananagutan, pagsusulong ng katarungan at pagbabantay ng sambayanan, gayundin sa pagpapatibay ng pag-asa at pananampalataya bilang gabay sa pagkakaisa at pagtatanggol sa kapakanan ng bayan.

Hinimok ni Bishop Capucao ang pamahalaan na mamuno nang may integridad at malasakit; ang mga pamilya na hubugin ang mga anak sa katotohanan; ang kabataan na maging tinig ng pagbabago; at ang mga magsasaka, mangingisda, guro, manggagawa at lahat ng dukha na sama-samang tumindig para sa dangal at kinabukasan.

Pinaalalahanan din ng obispo ang lahat ng pamayanan na ipahayag sa bawat Munting Sambayanang Kristiyano at parokya na ang Simbahan ng Diyos ay hindi tatanggap ng katiwalian.

“Ito ang tinig ng Prelatura ng Infanta. Ito ang panawagan ng ating pananampalataya. Ito ang tinig ng sambayanan na nagkakaisa laban sa kasalanan ng katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan,” saad ni Bishop Capucao.

Kaugnay nito, nakatakda ngayong September 21, 2025, kasabay ng pagdiriwang sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument na inorganisa ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) bilang sama-samang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 108,823 total views

 108,823 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 130,933 total views

 130,933 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 205,026 total views

 205,026 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 200,640 total views

 200,640 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top