CBCP, inaanyayahan ang sambayanang Pilipino na makiisa sa kilos-protesta kontra corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,416 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang sambayanang Pilipino na makiisa sa “Trillion Peso March” o Araw ng Panalangin at Pananagutan na gaganapin bukas, Linggo, September 21, 2025, sa ganap na alas-2 ng hapon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang pagkilos na ito ay hindi usaping pulitikal kundi isang moral na paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na sumisira sa dangal ng tao at kinabukasan ng bansa.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga nasa labas ng Metro Manila na makiisa sa mga prayer rally na inorganisa ng kani-kanilang diyosesis, parokya, Catholic schools, at iba pang faith-based at civic groups.

“Isang pagkilos ng pananampalataya at pagkakaisa laban sa kultura ng katiwalian na patuloy na nananakaw ng dangal ng tao, nagpapalubog sa mahihirap, at sumisira sa kinabukasan ng ating bansa,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng CBCP ang kahalagahan ng integridad at pananagutan sa pamumuno, wastong paghubog sa mga kabataan na mahalin ang katotohanan, at mariing pagtutol sa patronage politics at pandarambong.

Nanawagan din ang mga obispo ng suporta para sa malinis na pamahalaan, transparency sa mga kontrata at proyekto, at agarang imbestigasyon laban sa mga anomalya.

Iginiit ni Cardinal David na ang katiwalian ay hindi lamang usapin ng perang ninanakaw kundi isang banta sa mga tahanang laging binabaha, kalikasang patuloy na sinisira, at mga oportunidad na nasasayang para sa kabataan ng susunod na henerasyon.

Hinamon ng kardinal ang mga mambabatas at tagausig na pabilisin ang imbestigasyon, maglatag ng kongkretong solusyon, at iwasan ang anumang delaying tactics upang hindi muling maisantabi ang usapin.

Kasabay nito, hinimok din ng pangulo ng CBCP ang lahat na talikuran ang kayabangan at kasakiman, at sa halip ay piliin ang pagbabalik-loob, katarungan, at pagkakaisa.

“Manindigan tayo para sa katotohanan, katarungan, at pagbabago… Sama-sama tayong bumuo ng isang bansang tapat, makatarungan, at tunay na makatao,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,920 total reads

 73,920 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,002 total reads

 109,002 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,302 total reads

 144,302 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,571 total reads

 370,571 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,933 total reads

 259,933 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,973 total reads

 154,973 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top