Diocese of Tarlac at Apostolic Vicariate of Taytay, nanawagan ng suporta sa Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,125 total reads

Nakikiisa at nananawagan ng suporta ang Diocese of Tarlac at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa idadaos na Trillion Peso March sa EDSA.

Inihayag Tarlac Bishop Roberto Mallari na buong puso ang kanyang pakikiisa sa adbokasiya na labanan ang korapsyon sa pamahalaan.

Nanindigan ang Obispo na hindi dapat palagpasin ngayon ng taumbayan ang laganap na katiwalian lalu na ang mga anumalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Iginiit ng Obispo na panahon upang masawata at maalis ang maling sistema sa paggamit ng pondo ng bayan.

Apela ng Obispo sa mamamayan na makiisa sa idadaos na Trillion Peso March kasama ang lahat ng sektor ng Lipunan.

“Ako ay buong puso at buong tapang na nakikiisa sa A TRILLION PESO MARCH sa EDSA PEOPLE SHRINE! Hindi na natin dapat palampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang ating lakas laban sa malawakang katiwalian sa gobyerno—lalo na sa harap ng mga isyung kinahaharap sa Kongreso at Senado tungkol sa mga Flood Control Projects, Kaya’t nananawagan ako sa bawat kababayan, sama-sama tayong tumindig at mag-anyaya ng marami pang kapwa upang lumahok sa pinakamalawak at pinaka-makabuluhang pagkilos laban sa katiwalian! Kung hindi ngayon, kailan pa natin mapupuksa ang paulit-ulit na katiwalian na sumisira sa ating bansa? Panahon na para magising at kumilos nang buong tapang!,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Hinihikayat naman ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na manindigan at makiisa sa kilos-protesta para sa pananagutan at pagtigil na sa sabwatan sa pagitan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga ganid na kontraktor sa mga proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pakikiisa sa paninindigan ay pagpapakita sa pamahalaan na hindi pinapahintulutan ng taumbayan ang mga maling gawain.

“Hinihikayat ko po ang mga tao na sumama sa Trillion Peso March doon po sa EDSA upang ipakita po ang ating paninindigan laban sa korapsyon at ang ating panawagan ng pagbabago sa ating pamahalaan, lalung-lalu na po sa ating mga mambabatas, mahalaga po na manindigan tayo ng sama-sama at sabay-sabay upang ipakita natin sa mga pulitiko natin na tayo’y sawa na sa kanilang pagsayang ng pera ng bayan kaya nananawagan po ako na makiisa tayo at ganundin hikayatin natin ang iba na makiisa, isang hapon lang naman ito ng paninindigan para po sa ating bayan,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,425 total reads

 120,425 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 153,754 total reads

 153,754 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 185,898 total reads

 185,898 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 251,961 total reads

 251,961 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,473 total reads

 263,473 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top