Obispo ng Infanta, nanindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,544 total reads

Nanindigan ang Prelatura ng Infanta laban sa lumalalang suliranin ng katiwalian at kawalang katarungan sa bansa.

Ayon kay Bishop Dave Capucao, ang katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan ay mga sugat na patuloy na nagpapabigat sa krus ng mahihirap, lumalapastangan sa dangal ng tao, at pumipinsala sa kinabukasan ng bayan.

“Hindi ito maliit na pagkukulang ng pamahalaan — ito ay kasalanang sumasalungat sa kalooban ng Diyos,” pahayag ni Bishop Capucao.

Iginiit din ng obispo na ang bawat pondong ninanakaw, pekeng proyekto, at pagsira sa kalikasan ay nagdudulot ng kagutuman at kapahamakan sa mga pamayanan.

Dagdag pa ni Bishop Capucao, ang katahimikan at pagpapabaya sa ganitong gawain ay pagnanakaw sa pag-asa ng susunod na henerasyon.

“Hindi tayo maaaring manahimik. Tulad ni Maria na nakatindig sa paanan ng Krus, tayo rin ay tinatawag na manatiling matatag sa harap ng kasamaan, kasakiman at korapsyon,” ayon sa obispo.

Mariin namang nanindigan ang Prelatura sa pagtataguyod ng katotohanan at pananagutan, pagsusulong ng katarungan at pagbabantay ng sambayanan, gayundin sa pagpapatibay ng pag-asa at pananampalataya bilang gabay sa pagkakaisa at pagtatanggol sa kapakanan ng bayan.

Hinimok ni Bishop Capucao ang pamahalaan na mamuno nang may integridad at malasakit; ang mga pamilya na hubugin ang mga anak sa katotohanan; ang kabataan na maging tinig ng pagbabago; at ang mga magsasaka, mangingisda, guro, manggagawa at lahat ng dukha na sama-samang tumindig para sa dangal at kinabukasan.

Pinaalalahanan din ng obispo ang lahat ng pamayanan na ipahayag sa bawat Munting Sambayanang Kristiyano at parokya na ang Simbahan ng Diyos ay hindi tatanggap ng katiwalian.

“Ito ang tinig ng Prelatura ng Infanta. Ito ang panawagan ng ating pananampalataya. Ito ang tinig ng sambayanan na nagkakaisa laban sa kasalanan ng katiwalian at kawalan ng paggalang sa kalikasan,” saad ni Bishop Capucao.

Kaugnay nito, nakatakda ngayong September 21, 2025, kasabay ng pagdiriwang sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument na inorganisa ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) bilang sama-samang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,927 total reads

 73,927 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,009 total reads

 109,009 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,309 total reads

 144,309 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,578 total reads

 370,578 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,940 total reads

 259,940 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,975 total reads

 154,975 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top