Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, nakahanda sa mga direktiba ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 751 total views

Nakahanda na ang kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas sa ‘Ad limina visit’ kay Pope Francis ngayong buwan ng Mayo hanggang sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, bagamat mag-uulat ang mga Obispo sa mga kaganapan dito sa Pilipinas at mga ginagawa ng Simbahang Katolika, nais din nilang mapakinggan ang mga sasabihin ng Kan’yang Kabanalan Francisco bilang Pinunong Pastol ng mahigit sa 1.3 bilyong Katoliko sa buong mundo.

“While we make reports of what’s happening here, we are also more interested in listening sa directions nga iyang ihatag [na kanyang (Pope Francis) ibibigay],” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Dagdag pa ng Arsobispo, dahil marami ang mga naganap sa bansa at mga gawain ng Simbahang Katolika nakadepende ang mga Obispo sa ‘hint’ ng Santo Papa kung ano ang mga paksa na matatalakay sa pagpupulong.

Tiniyak ng mga Obispo na maging makabuluhan ang Ad limina visit sa Santo Papa at maipararating ang mga mahahalagang paksa na may kinalaman sa mga mananampapalatayang Katoliko, ang pagpapalago ng pananampalataya at pagbubuklod ng sambayanan ng Diyos.

Ang Ad limina ay regular na pagbisita ng mga Obispo mula sa iba’t ibang bansa sa Santo Papa kung saan kabilang sa mga bibisitahin ang libingan ng mga apostol, major basillica at pakikipagpulong sa iba’t ibang tanggapan ng Vatican.

Sa pahayag noon ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, humiling ito ng panalangin sa ikatatagumpay ng kanilang pagbisita sa Santo Papa kung saan hinati sa tatlong grupo ang mga Obispo sa Pilipinas, ang unang grupo ay binubuo ng mga Obispo ng Luzon, ikalawa naman mula sa Visayas at ikatlo ang mga Obispo ng Mindanao kasama ang Arkidiyosesis ng Lipa.

Tinatayang may mahigit sa 90 ang bilang ng mga aktibong Obispo at Arsobispo sa Pilipinas sa siyang nangangasiwa sa 86 na diyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 2,367 total views

 2,367 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 12,909 total views

 12,909 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 21,349 total views

 21,349 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 37,457 total views

 37,457 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 45,406 total views

 45,406 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top