Cathedral, dambana ng pag-asa at kinabukasan ng Santa Iglesia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,728 total reads

Pinaalalahanan ni Jaro Archbishop Midyphil Billones ang mananampalataya na ang cathedral ay dambana ng pag-asa at kinabukasan ng kristiyanong pamayanan.

Sa misang pasasalamat sa paggunita ng pagtalaga sa Jaro Cathedral, ipinaliwanag ng arsobispo na hindi lamang National Shrine of Our Lady of the Candles ang cathedral kundi ito ang magiging gabay ng buong arkidiyosesis sa pagsasakatuparan ng misyon lalo na sa mga gawaing pastoral at pagmimisyon.

“The Cathedral is not only a national shrine, it is a shrine of our hopes, our vision, our mission, our struggles for the future, the cathedral must continue to be the primemover in terms of pastoral programs and evangelization,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Billones.

Binigyang diin ni Archbishop Billones na ang bawat kristiyanong kasapi ay may malaking tungkulin sa pagsasabuhay ng misyon sapagkat ang mga binyagan ang buhay na simbahang pinag-alayan ni Hesus ng buhay.

Hinimok ng arsobispo ang mamamayan na magkaisang kumilos ng may sigasig upang maisakatuparan ang mga hangarin ng arkdiyosesis sa pagpapalago ng pananampalataya at komunidad.
“Zeal means passion, energy and devotion; passion is to be seen in our presence in our achdiocesan celebrations for our cathedral is our mother church,” dagdag ng arsobispo.

Sa kasaysayan itinatag ang simbahan noong 1575 sa pangangasiwa ng mga Agustinong misyonero at nang maging diyosesis ang Jaro noong 1865 ginawa itong cathedral na itinalaga kay St. Elizabeth of Hungary ang kauna-unahang cathedral sa Pilipinas na nakatalaga sa kanyang pangalan.

Ang kasalukuyang istruktura ng simbahan ay mula pa noong 1874 sa pangunguna ni Bishop Mariano Cuartero ang kauna-unahang obispo ng Jaro bagamat napinsala ang simbahan sa malakas na lindol noong 1948 muli itong naisaayos taong 1956.

Taong 1951 nang gawing Archdiocese ang Jaro naitaas ang simbahan bilang metropolitan cathedral kung saan dito rin nakadambana ang mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Candelaria ang natatanging Marian image sa Pilipinas na kinoronahan ng santo papa nang bumisita sa bansa taong 1981 ang noo’y pinuno ng simbahan na si St. John Paul II.

Ang Jaro Cathedral din ay isa sa 34 na national shrines ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,826 total reads

 9,826 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,184 total reads

 238,184 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,650 total reads

 131,650 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,679 total reads

 225,679 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,528 total reads

 269,528 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top