Impeachment trial ni VP Duterte, isang proseso ng transparency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,819 total reads

Naniniwala si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na mahalaga ang nalalapit na impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte upang masigurong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan, lalo na sa paggamit ng pondo at pagsunod sa kanilang tungkulin.

Ayon sa obispo, ang pagkakaroon ng proseso ng paglilitis ay paraan upang matukoy kung wasto ang paggamit ng pondo ng tanggapan ng Bise Presidente at kung naging maayos ang kanyang pamumuno. Naniniwala ang obispo na ito ay isang mahalagang hakbang para sa transparency at good governance.

“Tapos yan din ang pagpapakita sa atin na ang ating pamahalaan ay talagang seryoso na magkaroon ng transparency. Na mananagot ang mga opisyales,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, dapat ituring ang impeachment bilang pagkakataon para pakinggan ng taumbayan ang katotohanan tungkol sa mga usaping kinakaharap ng bansa. Saad pa ng obispo, ang proseso ay dapat magsilbing daan para sa paglilinaw kung paano ginamit ang mga pondo at paano isinagawa ang pamumuno ng isang mataas na opisyal.

“Kaya ito ay pagkakataon na mapakinggan ng marami. So ano bang nangyari sa perang binigay sa kanya, sa kanyang fund, at pagkatapos paano siya namamahala, namumuno bilang Bise Presidente. So, for accountability’s sake, makakatulong ‘yan.”

Binigyang-diin din ng obispo ang kahalagahan ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno, at umaasa siyang magiging maayos ang takbo ng proseso at hindi ito madadala ng pulitika o interes ng ilang grupo.

Nanawagan siya sa mga senador na pairalin ang katotohanan sa kanilang magiging desisyon at umaasa na hindi lamang ito ibabatay sa utos ng kanilang partido o pinuno, kundi sa ikabubuti ng bayan.

Sa kanyang panalangin, hiniling ng obispo na gabayan ng Diyos ang mga lider ng bansa, lalo na sa panahon ng pagsubok, upang manaig ang malasakit, katapatan, at pagkakaisa para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Una ng inihayag ni Senate President Francis Escudero ang pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court sa June 3.

Noong Pebrero 5, 2025, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment laban kay Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas.

Kabilang sa mga sinasabing kaso laban sa Bise Presidente ay ang Paglabag sa Konstitusyon, Pagtataksil sa tiwala ng publiko, pandarambong at katiwalian at iba pang mabibigat ng krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 28,247 total reads

 28,247 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 126,493 total reads

 126,493 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 170,762 total reads

 170,762 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 193,871 total reads

 193,871 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 267,619 total reads

 267,619 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top