Sayaw sa Obando, puspusang pinaghahandaan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,070 total views

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana ng Nuestra Señora Immaculada Concepcion de Salambao o kilala rin bilang Parokya ni San Pascual Baylon para sa taunang Sayaw sa Obando.

Ang Kapistahan ng Tatlong Patron ni San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at Mahal na Birhen ng Salambao ay isa sa pinakamatandang kapistahan sa bansa na nakatakda sa ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo.

Tema ng kapistahan ngayong taon ang “Tatlong Pintakasi ng Obando: Huwaran ng Kabataang Pilipino” kung saan magsisimula ang nobenario sa tatlong patron sa ika-8 hanggang ika-16 ng Mayo.

Kilala rin ang taunang Sayaw sa Obando dahil sa pambihirang paraan ng mga deboto sa pagpapaabot ng mga panalangin sa Panginoon na ginagawa sa pamamagitan ng pagsasayaw bilang pamimintuho sa pintakasi.

Sa Mayo 17 kay San Pascual Baylon, upang magkaroon ng asawa, anak na lalaki, at bokasyon sa pagpapari o pagmamadre; sa Mayo 18 kay Santa Clara ng Assisi, upang magkaroon ng anak na babae at maginhawang pagbubuntis at panganganak; at sa Mayo 19 sa Mahal na Birhen ng Salambao, sa mabiyayang negosyo at hanap-buhay.

Si San Pascual Baylon ay ang Patron ng mga walang asawa, mga humihingi ng anak na lalaki at ng mga mayroong bokasyon sa pagpapari at pagmamadre.

Si San Pascual Baylon rin ang patron ng Eukaristiya at Eucharistic Congresses.

Samantala, si Santa Clara ng Assisi naman ay siyang Patron ng mga humihiling ng anak na babae at maayos na pagbubuntis at panganganak, siya rin ang patron ng magandang panahon, telebisyon at mass media.

Habang ang Mahal na Birhen ng Salambao naman ay ang Patron ng mga ina, maginhawang hanap-buhay at negosyo partikular na ang may mga kaugnayan sa tubig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 55,313 total views

 55,313 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 179,724 total views

 179,724 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 221,805 total views

 221,805 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 299,159 total views

 299,159 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 3,520 total views

 3,520 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top