Pagiging “Good Shephered” ng Panginoon, dapat tularan ng mga kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Ang pag-aalay ng sarili at pagsasakripisyo para sa kabutihan ng mas nakararami ang halimbawang dapat tularan sa Panginoon ng mga nagnanais na magsilbi bilang mga opisyal ng bayan.

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Dennis Soriano – Rector ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao o Cubao Cathedral kaugnay sa papalapit na midterm elections.

Ibinahagi ng Pari na hindi magiging ganap ang paglilingkod ng sinuman kung walang tunay na pagsasakripisyo tulad ng ginawa ng Panginoon sa kanyang bugtong na anak na Hesus upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Importante yung pagiging Good Shepherd ng ating Panginoon, ibig sabihin hindi sarili ang iniisip pero iniisip yung kapwa tapos importante yung espiritu ng sakripisyo, hindi magiging tunay ang paglilingkod kapag walang sakripisyo so yung pag-iisip ng kabutihan ng iba, ng kapwa at saka yung kakayahan para magsakripisyo ay mahalagang halimbawa ng Panginoon yan para sa mga lider natin…” pahayag ni Fr. Soriano sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Pari dapat na malaman ng bawat isa na kaakibat din ng pananampalataya ang pakikibahagi sa mga usaping panlipunan at usaping pulitika kung saan dapat na maisabuhay ng lahat ang pagiging matapat, pagsugpo sa korapsyon at paglilingkod sa mga mahihirap.

Iginiit ni Fr. Soriano na mahalaga ang mga nasabing katangian para sa mga iluluklok na mga opisyal para sa kapakinabangan ng marami at magpapabuti sa kalagayan sa lipunan.

“Ang importante laging maintindihan na yung pananampalataya ay dapat may pakialam talaga yan sa pulitika, sa pagiging lider. Yung mga hinihingi sa atin ng pananampalataya ay kailangan makita natin na isinasabuhay din yung honesty, yung paglaban natin sa kurapsyon tapos lalo na yung paglilingkod sa mahihirap, importante yun sa bawat kandidato kasi yan naman ang halimbawa ng Panginoon sa atin. Kapag ang lider talagang sineryoso yung paglilingkod maraming makikinabang, maraming bunga ang pwedeng ipagkaloob niyan sa mga tao…” paliwanag ni Fr. Soriano.

Kaugnay nito, isinagawa sa Cubao Cathedral noong ika-29 ng Abril ang Misa at Peace Covenant signing ng mga kandidato sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Pinangunahan ang pagtitipon ng Quezon City Chapters ng Commission on Election (COMELEC), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na naglalayong makita ang pakikiisa ng mga kandidato sa paghahanggad na magkaroon ng matapat at maayos na halalan sa syudad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,114 total reads

 26,114 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,517 total reads

 62,517 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,787 total reads

 288,787 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,254 total reads

 182,254 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,905 total reads

 274,905 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top