Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, nakahanda sa mga direktiba ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,121 total views

Nakahanda na ang kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas sa ‘Ad limina visit’ kay Pope Francis ngayong buwan ng Mayo hanggang sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, bagamat mag-uulat ang mga Obispo sa mga kaganapan dito sa Pilipinas at mga ginagawa ng Simbahang Katolika, nais din nilang mapakinggan ang mga sasabihin ng Kan’yang Kabanalan Francisco bilang Pinunong Pastol ng mahigit sa 1.3 bilyong Katoliko sa buong mundo.

“While we make reports of what’s happening here, we are also more interested in listening sa directions nga iyang ihatag [na kanyang (Pope Francis) ibibigay],” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Dagdag pa ng Arsobispo, dahil marami ang mga naganap sa bansa at mga gawain ng Simbahang Katolika nakadepende ang mga Obispo sa ‘hint’ ng Santo Papa kung ano ang mga paksa na matatalakay sa pagpupulong.

Tiniyak ng mga Obispo na maging makabuluhan ang Ad limina visit sa Santo Papa at maipararating ang mga mahahalagang paksa na may kinalaman sa mga mananampapalatayang Katoliko, ang pagpapalago ng pananampalataya at pagbubuklod ng sambayanan ng Diyos.

Ang Ad limina ay regular na pagbisita ng mga Obispo mula sa iba’t ibang bansa sa Santo Papa kung saan kabilang sa mga bibisitahin ang libingan ng mga apostol, major basillica at pakikipagpulong sa iba’t ibang tanggapan ng Vatican.

Sa pahayag noon ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, humiling ito ng panalangin sa ikatatagumpay ng kanilang pagbisita sa Santo Papa kung saan hinati sa tatlong grupo ang mga Obispo sa Pilipinas, ang unang grupo ay binubuo ng mga Obispo ng Luzon, ikalawa naman mula sa Visayas at ikatlo ang mga Obispo ng Mindanao kasama ang Arkidiyosesis ng Lipa.

Tinatayang may mahigit sa 90 ang bilang ng mga aktibong Obispo at Arsobispo sa Pilipinas sa siyang nangangasiwa sa 86 na diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 229,780 total views

 229,780 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 260,003 total views

 260,003 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 286,647 total views

 286,647 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 381,620 total views

 381,620 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 387,793 total views

 387,793 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top