155 total views
Pinayuhan ng obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan ang mga bagong opisyal sa gobyerno partikular na ang Department of Education na huwag ibulsa sa halip ilaan sa tamang proyekto ang pondo para sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Bishop Martin Jumoad, hanggang sa ngayon kulang na kulang ang mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa mga rural schools gaya sa Basilan.
“Negligence of duty ‘yun ang problema sa ating gobyerno so I’m very happy with the incoming president because he said all must be done within 3 days. I hope it will be done, parang we are already tired of the bureaucracy and that must be resolved and must be given attention too. Parang bang ang mga tao na nandun sa higher position ang tingin lang nila makapera sila. So yun ang problema sana the mentality would be change,” giit pa ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Ayon pa sa obispo, pagtuunan nawa ng pansin ng kalihim ng Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro at ng susunod na opisyal ng ahensiya ang mga pampublikong paaralan sa mga probinsya lalo sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, ayon kay Bishop Jumoad, nakahanda naman ang mga catholic schools sa diocese para sa K-12 program bagamat hindi pa rin sapat ang mga mga silida-aralan sa mga pampublikong paaralan.
“Sana pa–advisan ni Bro. Armin na do not criticized private schools in the rural areas because we are ready here in Basilan all Claret schools are ready. We have already classrooms for senior high school pero binabawalan na mga principal na wala pa silang mga classrooms na pupunta sa private schools,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Nakikita naman ni Bishop Jumoad na kinakailangan ng i–release ang pondo ng DepEd para maihabol ng maipatayo ang mga kulang na klasrum.
Sa ulat ng Management Association of the Philippines Education Task Force noong 2011, aabot ang kakulangan sa mga silid-aralan sa 94,000 hanggang 124,000 kada taon.
Nauna na ring kumikilos ang Caritas Manila sa pagbibigay ng scholarship program sa 5000 nitong mga scholars ng Youth Servant Leadership ang Education Program o Y-S-L-E-P na mula sa mga mahihirap na probisnya sa bansa.