191 total views
Hindi lamang nagpapaaral kundi humuhubog ng moral o magandang ugali ng mga kabataan.
Ito ayon kay Helen Oreto, manager ng Youth Servant Leadership & Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila ang layunin ng nasabing programa na tumutulong sa mga kabataan na nais maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral subalit kapos sa pondo.
Sinabi pa ni Oreto na ang YSLEP ay bukas sa lahat ng kabataang mahihirap hindi lamang para sa libreng pagpapaaral at paghubog sa kanilang pagkatao kundi ito ay para sa lahat ng relihiyon sa buong bansa.
Aniya, patuloy ang Caritas Manila sa pagtulong sa mga kabataan lalo na sa mga lalawigan na pinakamahirap sa bansa.
“Mahalaga ang kanilang pakikibahagi sa komunidad, requirement mula sa kanila bilang leader eh magmanage sa mga community, sa school sa pamayanan, pamilya upang isagawa ang mga kailangan nilang gawin bilang isang ligkod o leaders, lahat ng YSLE ay may tungkulin o gawain na nakapaloob sa mga gawain ng komunidad, hinsi sila basta nag-aaral kundi mayroon silang mabibigat na gawain na nakaatang sa balikat, hinuhubog natin sila sa ganitong pamamaraan.” Pahayag ni Oreto sa panayam ng Radyo Veritas.
Kaugnay nito, umapela muli ang Caritas Manila sa publiko na ipagpatuloy ang pagtulong sa kabataang scholar ng bayan sa pamamagitan ng donasyon.
Ayon kay Oreto, kailangan ng YSLEP program na makalikom ng P5-milyon para dito.
“Humihingi tayo ng panahon at tulong para sa ating mga kabataan na nais makapagpatuloy ng pag-aaral sa Lunes mula 6am to 6pm, may telethon para sa edukasyon makalikom makalikom ng pondo na 5 milyon na dagdag pondo para mapaarala pa ang mga kabataan lalo na dun sa mga lalawigan na napakahihirap, merun din sa NCR na marami pa ring di nakakapag-aral so need narin dagdagan ang ating tulong, sa ngayon maraming aplikante, nasa 30 mga bata na nakapag-apply sa Basilan at Jolo.” Ayon pa kay Oreto.
Tinatayang mahigit na sa 5,000 ang mga estudyanteng iskolar ng Caritas Manila.