Bawat Filipino, may kapakinabangan sa bansa

SHARE THE TRUTH

 2,183 total views

Buo ang paniniwala ng isang obispo na bawat Filipino tao ay mayroong kapakinabangan sa bansa.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Maralit, mahalaga lamang na mabigyan ng maayos at sapat na edukasyon at maturuan ng magandang values.

Gayunman, tiniyak ng obispo na kapag hindi nabigyan ng edukasyon at tamang oportunidad ang tao ay napupunta lamang ito sa kahirapan at nagiging ugat ng kaguluhan at kriminalidad.

Tiniyak ni Bishop Maralit na kung mabibigyan lamang ng tamang oprtunidad ang bawat Filipino ay magiging beneficial ito sa kaunlaran tulad ng kapakinabangan ng bansa sa mga Overseas Filipino Workers na nakapagpapadala ng dolyar sa Pilipinas at nakapagpapaangat sa ekonomiya ng bansa.

“Sa akin bawat isang Filipino ay beneficial sa Pilipinas. Every Filipino who is masipag, may pinag-aralaan maayos ang gawain at beneficial sa atin ‘yan. Isipin mo na lang ‘yung almost 3 million na OFW how they are beneficial to the Philippines. They are the ones who bring dollars to the Philippines, biggest dollar earners natin. So just considering all of them, isipin mo if 100 million, sabihin na natin na 70 million of them ay masisipag, tama ang edukasyon, gawain at pag-uugali ay yayaman ang bansa,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Dagdag pa ng obispo, dapat ding palawakin ng bansa ang kaunlaran at hindi lamang nakasentro sa Metro Manila upang mapigilan ang migration.

Iminungkahi din Obispo na linangin ng bagong administrasyon ang kayamanan ng bansa sa sektor ng agrikultura upang bumuo ng maraming trabaho at pagkakakitaan sa bansa.

“Mali, people are flocking to Metropolitan area kaya nagiging mas malaki ang poverty at crime. Sa dami ng naghahanap ng trabaho, in that sense nawawala ‘yung benefits from these many people, ang laki pa ng Pilipinas,” paliwanag ng Obispo

Naitala sa 2010-2015 survey ng National Statistic Office na umabot na mahigit 100- milyon ang populasyon ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,255 total views

 80,255 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,259 total views

 91,259 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,064 total views

 99,064 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,303 total views

 112,303 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,802 total views

 123,802 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top