597 total views
Nagpaabot ng pagbati si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo sa bagong lider ng Kongreso na parehong taga-Mindanao.
Ayon kay Bishop Bagaforo,solid Mindanao ang top 3 new leaders ng bansa mula sa Presidente, Senado at sa Mababang Kapulunhgan ng Kongreso.
Umaasa si Bishop Bagaforo na hindi ng tatlong lider ang mga Mindanaosns at buong sambayanang Filipino na matagal ng hinahangad ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Sinabi ng Obispo na ilang dekada ng mithiin ng mga taga-Mindanao na magkaroon ng kapayapaan, katahimikan at tunay na pagbabago sa kabuhayan.
“Solid Mindanao ang top 3 new leaders…pres, senate, congress! Could be mindanao is the new center of phil? We congratulate all of them. May they not disappoint the longings for change & prosperity of our people, esp those in mindanao.”pahayag ni Bishop Bagaforo
Matapos mahalal na pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Duterte, nahirang na Senate President si Koko Pimentel na taga-Bukidnon at naging House Speaker si Lanao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.
Sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, 11 mula sa 20 poorest provinces sa Pilipinas ay matatagpuan sa Mindanao.