Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa para sa mga kaluluwa ng mga namayapa, inialay

SHARE THE TRUTH

 363 total views

Nag-alay ng Misa para sa mga kaluluwa ng mga napapaslang sa bansa ang Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry.

Ayon kay Rev. Fr. Atilano “Nonong” Fajardo, director ng RCAM Public Affairs Ministry, pinangunahan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang Misa na nawa ay matahimik ang mga namayapa na lalo na ang mga napatay sa mga operasyon ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon sa pari, partikular na alay ang Misa lalo na ngayong Year of Mercy and Compassion para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa na hindi nakapagsisi sa kanilang mga kasalanan noong sila ay nabubuhay pa.

Dagdag ni Fr. Fajardo, ang Misa ay paramdam na rin sa mga kaanak ng mga namatay na hindi sila nag—iisa sa kanilang pighati at may Diyos na handang ibigay ang kapatawaran sa lahat.

“Nag-Misa tayo sa pangunguna ni bishop Pabillo para ipanalangain ang lahat ng namayapa lalo na para sa kampaya sa droga, sinasabi natin na ang mga ito ay di binigyan ng pagkakataon na makapagsisi o makahingi ng tawad, lalo na ngayong Year of Mercy and Compassion na sinasabi natin bigyang ng pagasa at pagkakataon ang bawat isa dahil ang Panginoon ay nandiyan lamang para magbigay sa atin ng kapatawaran. Nagpasalamat sila (pamilya), dahil may nananalangin sa mga kaluluwang napaslang, ” pahayag ni Fr. Fajardo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ipinanalangin din sa Misa ang mga gumagawa ng iba pang krimen gaya ng pagpatay sa kapwa.

“Ang mga taong ito ay humihingi ng panalangin, di natin sinasabi na yung mga gumagawa ng masama at kung sino-sinong pumapatay na ito, kailangan din natin ipagdasal dahil sila rin ang magbabayad sa mga dugong kanilang pinaslang,” ayon pa sa pari.

Ginanap ang Misa sa St. Vincent de Paul Church, Adamson University, San Marcelino Street, Maynila kahapon, ika – 25 ng Hulyo, 2016 kasabay ng unang SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumalo sa Misa ang mga kaanak ng mga namatay, mga mamamahayag, mga taong-Simbahan, kabataan, prolife group at iba pang sektor.
Sa sampung utos ng Diyos, ikalima dito ang ‘Huwag Kang Papatay’.

Sa record ng Philippine National Police, mula July 1-21, 2016 halos 300 na ang nasawi dahil sa all-out war ng pamahalaan kontra droga.

Sa SONA kahapon ng Pangulong Duterte, sinabi nitong iimbestigahan at papanagutin ang mga awtoridad na mapatutunayang umaabuso sa kanilang tungkulin lalo na sa mga operasyon kontra droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,207 total views

 47,207 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,295 total views

 63,295 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,688 total views

 100,688 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,639 total views

 111,639 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 64,771 total views

 64,771 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 90,586 total views

 90,586 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 131,046 total views

 131,046 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top