Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basic services ng pamahalaan, kulang pa rin.

SHARE THE TRUTH

 2,515 total views

Nanatiling katanungan at wala pa ring kasagutan ang ugat at solusyon sa lumulubhang kahirapan sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa survey ng Social Weather Station na 11.5-milyon na pamilyang Filipino ang nasasadlak pa rin sa kahirapan.

Ayon kay Bishop Cabantan, mula ng magsimula ang bagong administrasyon ay isang malaking katanungan kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng inclusive growth sa halip na exclusive growth sa bansa.

Tinukoy ni Bishop Cabantan ang mga katutubo sa Bukidnon maging ang mga maliliit na mangingisda ay wala pang seguridad sa kanilang mga ikinabubuhay.

Sinabi ng Obispo na nasa lansangan pa rin ang mga street children at marami pa rin ang walang trabaho na isang patunay ay patuloy na pagdami ng mga Overseas Filipino Workers.

Kumbinsido ang Obispo sa resulta ng survey dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nararamdaman ang pag-angat sa buhay ng mga Filipino.

“What are the measures for inclusive growth which needs to be done? What needs to be done for poverty alleviation? What are the root causes of all these which need to be addressed? for instance our IP’s here in the remote areas, small farmers who still lack security, proliferation of street children despite that we have built shelter houses already, labor sector which still needs to be helped, when can we stop sending migrant workers abroad so they can take care of their families here? These are just some of the questions that we raised before and still longs for an answer.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas

Iginiit naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na nagkukulang at hindi natutukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng basic services sa mamamayan partikular sa mga malalayong probinsiya.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na kulang ang assistance at programa ng pamahalaan para sa gamot, edukasyon at financial assistance upang mabago ang buhay ng mamamayan.

“Mahirap talaga dahil kulang ang government sa basic services like medicine, education, financial assistance to improve human living conditions. Ito ang mga concerns ng government”.dagdag ng Obispo

Lumabas sa survey ng S-W-S na lima sa kada sampung Filipino ay nagsasabing sila ay nanatiling mahirap o 50-porsiyento ng mga Filipino na may kabuuang 11.5-milyong pamilya.

Lumitaw din sa survey na tumaas pa ng 44-porsiyento ang bilang ng mga mahihirap mula 2014 hanggang fourth quarter ng taong 2016.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 24,735 total views

 24,735 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 40,823 total views

 40,823 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,493 total views

 78,493 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,444 total views

 89,444 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,576 total views

 31,576 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 25,773 total views

 25,773 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 3,347 total views

 3,347 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 41,770 total views

 41,770 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 25,693 total views

 25,693 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 25,673 total views

 25,673 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 25,673 total views

 25,673 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top