Pagsasabatas ng death penalty, labag sa International covenant.

SHARE THE TRUTH

 475 total views

Naninindigan si Commission on Human Rights Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na pagsira sa kasunduan sa International Covenant Civil and Political Rights (ICCPR) ang muling pagsasabatas ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay De Guia, makakaapekto sa kredibilidad ng Pilipinas at magkakaroon ng implikasyon sa iba pang mga kasunduan sa larangan ng ekonomiya at politika kung sisirain ng pamahalaan ang kasunduan sa ilalim ng Second Optional Protocol of the International to the ICCPR na nagbabasura ng death penalty.

Aniya, repleksyon din ng pagsusulong ng death penalty na hindi epektibo ang criminal justice system ng bansa kung saan mga mahihirap ang pangunahing maaapektuhan.

Naniniwala si De Guia na kailangang tutukan at palakasin ang sistema ng hustisya sa bansa gayundin ang pagtiyak ng pulisya na hindi na maipagpatuloy pa sa loob ng kulungan ang paggawa ng illegal na gawain ng mga nahuli.

“Lumalabas na ang pangunahing problema po dito ay ‘yung ating criminal justice system dahil mabagal po ang ating usad. Ang sagot po bukod sa effective justice system ay yung effective law enforcement system dahil hindi po magpapatuloy ang droga at krimen sa ating bansa kung sisiguraduhin ng ating pulisya na lahat ng nagkakasala ay mahuhuli nila,” dagdag pa ni De Guia.

Sa pinakahuling tala ng Amnesty International, 104 bansa ang nagpawalang-bisa na ng parusang kamatayan kung saan magugunita na naging kauna-unahan ang Pilipinas sa buong Asya na nagtanggal ng death peanlty sa pamamagitan ng 1987 Constitution.

Sa katuruang panlipunan ng simbahang kataloika, malinaw na nasasaad na ang pagpatay ay paglabag sa sampung utos ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,288 total views

 14,288 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 31,808 total views

 31,808 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,384 total views

 85,384 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,625 total views

 102,625 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,114 total views

 117,114 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 21,726 total views

 21,726 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 46,445 total views

 46,445 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 72,260 total views

 72,260 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 115,450 total views

 115,450 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top