Mamamayan ng Mindanao, hinimok na maging mahinahon at magdasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Umapela ng Panalangin ang Diocese of Marbel matapos makaranas ng magnitude 7.2 ang Sarangani, Davao Occidental at iba pang mga kalapit bayan.

Ayon kay Rev. Fr. Ariel Destora, Social Action Director ng Diocese, labis na takot at pagkabahala ang naranasan ng mga residente ng Sarangani at General Santos City dahil sa paglindol at paglalabas ng Tsunami warning alert ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na siya rin namang inalis agad makalipas ang ilang oras.

Nagpapasalamat si Fr. Destora na wala pang naiuulat na casualty sa mga nasasakupan ng kanilang mga Parokya bagamat patuloy pa ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan at pagdarasal ng kaligtasan mula sa naganap na paglindol.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa ating mga kapatid na nasa SOCKSARGEN na naapektuhan nitong lindol pero nandiyan pa din ang takot pero sana sa tulong at awa ng Diyos at tulong ng iba’t-ibang grupo sana po ay mahupa din yung nararamdaman takot ng ating mga kababayan.”pahayag ni Fr. Destora sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ni Fr. Destora na naka-antabay ang Social Action Center ng Diocese of Marbel para tumulong sa mga nangangailangan.

“Ang Social Action po ng Marbel ay naka-ready po na tumulong ano man ang mga pangangailangan” dagdag pa ni Destora.
Kaugnay nito, Umapela din ng pagdarasal si Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez para sa kaniolang mga kababayan.

Aminado naman ang Obispo na ilang mga gusali ng mga Simbahan ang bahagyang naapektuhan ngunit ipinagpapasalamat nito na hindi labis ang pinsala lalo na sa buhay ng mga residente.

Sa Archdiocese of Cotabato, bagamat walang ding naitalang malaking pinsala ang nasabing lindol ay tiniyak ng Social Action Director nito na si Fr. Cliffor Baira na nakahanda sila sa ano mang pagtulong at pakikipagtulungan sa mga naapektuhan maging sa mga kalapit na diyosesis.

“Dito ako ngayon sa boundary ng Cotabato at Marbel pero pabalik ako doon ngayon sa center ng Cotabato ngayong hapon and then titingnan ko doon kung ano ang damage. Pero dito sa area ng Tacurong city wala namang epekto.” Pahayag ni Fr. Baira.

Magugunitang ang Pilipinas ay kabilang sa tinatawag na ‘pacific ring of fire’ kung saan madalas ay nararanasan ang mga paglindol.

kamakailan lamang ay nakaranas ng pagyanig ang lalawigan ng Batangas kung saan umabot sa 18 milyong piso ang halaga ng pinsala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 83,732 total reads

 83,732 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 120,320 total reads

 120,320 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 154,450 total reads

 154,450 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 210,856 total reads

 210,856 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 114,693 total reads

 114,693 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top