1,320 total views
Hindi kumbinsido ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity o CBCP-ECL na totoong malaya ang Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa nalalapit na paggunita at selebrasyon ng bansa sa ika-119 anniversary ng “Independence day” sa ika-14 ng Hunyo, 2016.
Naniniwala si Bishop Pabillo na hindi pa rin ang malaya ang Pilipinas sa “cultural colonialism”.
Nilinaw ng Obispo na kahit walang pisikal na presensiya ng mga dayuhan ay unti-unti naman nilang sinasakop at ini-impluwensiyahan ang kultura, moralidad at mga kaugalian ng mga Pilipino.
Tinukoy ni Bishop Pabillo na ang sapilitang pananakop ng mga dayuhang bansa sa paggamit ng contraceptives, pagpatay sa mga sanggol sa sinapupunan, same-sex marriages at population control.
Sinabi ng Obispo na 119 na taon ng ipinagdiriwang ng Pilipinas ang independence day o araw ng kasarinlan ngunit malaking hamon pa rin sa mga Filipino ang panindigan ang ating kalayaan at huwag magpasakop sa mga ideolohiya at kaisipan ng iba’t-ibang bansa.
“Sinabi ng Santo Papa, mag-ingat tayo sa cultural colonialisnm, ideological colonialism na ipinipilit sa atin ng ibang mga bansa o kahit yung mga values na hindi atin na ipinipilit sa atin tulad ng values ng pagpapatay sa mga bata, tulad ng same sex marriage. Kaya hindi tayo dapat nagpapadala dito sa ideological colonialism na nagiging colonize din tayo ng mga colonized ideology o mga pag-iisip na ipinipilit sa atin na hindi naman talaga yan ay atin”.pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas
Ngayong 2016, umabot na sa 100.97-milyon ang populasyon ng bansa na itinuturing ng Simbahang Katolika na isang biyaya at assets hindi isang malaking suliranin o problema.