Kaunlaran at kapayapaan sa Hacienda Luisita, hangad ng Simbahan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,570 total views

Tanging hinahangad ng parish Priest sa loob ng Hacienda Luisita ang kaunlaran at kapayapaan sa mga barangay na sumasakop sa lupain ng pamilya Cojuangco.

Tiwala si Father Lito Santos, Parish Priest ng Our Lady of Lourdes sa barangay Central. Tarlac city na maipagkaloob at matiyak ng mga otoridad at pamahalaan ang katahimikan sa loob ng Hacienda Luisita upang magkaroon ng tunay na kaunlaran sa mga magsasaka.

“Sa ating pamahalaan kaisa ako sa mga asosasyon ng barangay captain sa loob ng hacienda luisita na naghahangad ng kapayapaan. Appeal namin sa pamahalaan na gawin ang lahat para maging maayos, matiwasay at maging maunlad ang buhay ng mga tao hindi lang mga magsasaka sa loob ng hacienda luisita. Hiling po namin yun, ipinapanalangin po namin yun and whatever ang simbahan ay palaging nakasuporta sa ating pamahalaan anumang program yan lalu na para sa ikabubuti ng ating mga kapatid, ating mga mamamayan. Whether we are catholics or muslim iisa ang hangad natin kapayapaan kaunlaran at katahimikan.”pahayag ni Father Santos sa Radio Veritas

Umaapela ang pari sa mga magsasaka na huwag kakalimutan na tanging katiwala lamang sila ng lupang ipinagkaloob sa kanila at matutunang linangin at pagyamanin ang ibinigay na biyaya ng Diyos.

Naniniwala ang pari batay sa kanyang monitoring na naipamahagi na ang kabuuang 4.500 ektarya ng lupa ng hacienda luisita sa farmer beneficiaries alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema noong pang taong 2012.

“Nadistrubute na ng dating administration, yung tambiyulo naipamahagi na at early this year nakatanaggap ako ng imbitasyon ng DAR at provincial government ng Tarlac kaugnay sa pagdi-distribute ng huling 101-hectares.”paglilinaw ng pari

Aminado rin ang pari na mayroong mga programa ang pamahalaan para suportahan ang mga magsasaka subalit kulang pa rin sa kasalukuyan.

“Mayroong mga programa ang gobyerno sa pamamagitan ng DAR. Nakakaunawa din po tayo gawa ng bago ako pumasok sa seminaryo ako po ay geodetic Engineer kaya mayroon tayong partisipasyon sa programang binibigay nila sa mga farmers at bukod doon may programa din ang CBCP-NASSA.

Noong nakaraang linggo, winasak ng may 700 magsasaka ang isang bahagi ng pader ng Hacienda Luisita at nagbarikada sa loob upang ipanawagan ang pagkaloob sa kanila ng 900-hektarya ng lupain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 18,279 total views

 18,279 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 46,284 total views

 46,284 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 64,084 total views

 64,084 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 63,335 total views

 63,335 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 174,460 total views

 174,460 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 61,166 total views

 61,166 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 38,739 total views

 38,739 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 77,161 total views

 77,161 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top