833 total views
Kung ang mga mahihirap na may sakit at karamdaman ay hindi makapunta sa ospital, ang “clinic in can” ng Caritas Manila ang magtutungo sa kanila.
Ito ang mensahe ng kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagbabasbas ng dalawang “clinic in can” ng Caritas Manila na ipinagkaloob ng U-S based Barnabite Heart to Heart Ministry na bahagi ng kanilang programa na: “make sad eyes smile” project.
Ayon kay Cardinal Tagle, ito ang konkretong halimbawa ng paghahayag ng awa na may gawa.
“This is really a day of blessing the love of God in the year of mercy become concrete. Alam naman natin na ngayon ay taon ng awa ng Diyos pero yung yung awa ng diyos ay laging konkreto, ang awa ng diyos ay nasa kanyang gawa at sa araw na ito ay nakikita natin ang isang halimbawa ng awa na may gawa. Yung iba puro awa wala namang gawa, iba naman gawa ng gawa wala namang awa.Kaya nagyon mabuti magaksama ang awa at gawa. Mercy is always accompanied by action. But action alone without mercy becomes sometimes meaningless action.”pahayag ni Cardinal Tagle.
Inaasahan ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng mobile clinics na ito ay maabot ng simbahan ang mga mahihirap na walang kakayanang makapunta sa mga ospital upang magpagamot.
“Thru these clinics we hope that God’s concerned on healing would reach many people if they cannot come to the hospital then the clinic will go to them.”pahayag ni Cardinal Tagle
Malugod na pinasasalamatan ni Cardinal Tagle si Father Robert Kosek ng Penssylvania sa kanilang mabungang fund raising project sa pamamagitan ng pagkakaloob sa Arkidiyosis ng Maynila ng dalawang bagong mobile clinic o clinic in can.
“At just like any act of love those community behind it. Walang kilos ng pag-ibig na isang tao lamang ang gumagawa, laging sama-sama yan, laging sama-sama ang kilos ng pag-ibig. And we thank God for giving us collaborators and friends, who thought for this project who pursued it and now we are seeing the fruits.” Father Robert Kosek is a Barnabite priest, a cleric regular of St. Paul and called Barnabites. He served here in the Philippines for almost 23 years, he was the rector of Barnabite seminary in Tagaytay when I was still the Bishop in Cavite. For the love of the poor and the children, a program was born, “make sad eyes smile”, pangitiin ang mga matang nalulungkot. And I have to say this is close to miracle, because we had that fund raising lunch in September last year, nagkaroon ho ng tanghalian fund raising sa Penssylvania at naimbitahan ho ako ni father, malay ko ba na yung kain ng kain nayun may ibubunga pala.Ano ang naging bunga, yang dalawang clinics.”mensahe ng Cardinal.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang regalong ito na mobile clinic mula sa Penssylvania ay malaking paanyaya sa mga mananamplataya lalu na sa mga Filipino na ipagpatuloy at ibahagi ang awa at habag ng Diyos sa pammagitan ng pagbibigay ng libreng gamutan.
“Every grace brings with it a responsibility so we as an Archdiocese bilang isang sambayanan tinatanggap natin itong regalo pero bawat regalo may responsibilidad. Hindi puwedeng regalo lang at biyaya wala namang pananagutan so let us nurture the gift and the gift be used responsibly to promote the good specially of the poor”.pagtitiyak ni Cardinal Tagle
Samantala, mula sa datos ng Social Weather Station, nanatiling 50-porsiyento ng populasyon ng Pilipinas o katumbas ng 11.2-milyon ng pamilyang Pilipino ay naghihirap at walang access sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, trabaho at libreng pagpapamot.