OFWs at manggagawang Filipino, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 373 total views

Kinilala ng migrants ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga manggagawa sa paggunita ng labor day.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon kahanga-hanga ang ipinakitang katatagan ng mga Pilipino lalo na ang mga migrante sa iba’t ibang bahagi ng mundo na hinarap ang hamon ng krisis upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

“We, at CBCP-ECMI, prayerfully greet and wish our labourers especially our migrants and seafarers whose works manifest their expertise and excellence; We appreciate and grateful for their resiliency, courage and strength to labor harder and honestly for our country and for their family,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ito ang pagbati ng obispo sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong Mayo 1 kasabay ng kapistahan ni San Jose Manggagawa ang patron ng nasabing sektor.

Umaasa ang opisyal na kumilos ang pamahalaan upang mabigyang proteksyon ang mga manggagawa lalo’t malaki ang banta na kanilang kinakaharap sa kasalukuyang sitwasyon ng lipunan.

“To celebrate this May 1 for them is to implement and enact laws for their benefits as to protect them from unjust, unfair practices,” ani ng obispo.

Patuloy din ang panawagan ni Bishop Santos ang proteksyon sa mga OFW laban sa pananamantala kung saan batay sa Global Survey Index noong 2015 humigit kumulang sa 300-libong Pilipino na karamihan ay kababaihan ay biktima ng modern day slavery sa ibayong dagat.

“Let us continue to promote their rights and always prevent them from exploitation and from scrupulous agencies, and employers and those who victimised them, those who abused them should be investigated and prosecuted,” giit pa ni Bishop Santos.

Sa kasalukuyang tala ng Philippine Statistics Authority mahigit na sa 10-milyon ang mga OFW sa buong daigdig. Hiniling na ni Bishop Santos sa mga dicoesan desk migrants ministry at chaplaincy ang pagsasagawa ng Banal na Misa para sa mga migrante sa pagdiriwang ng Labor Day bilang pakikiisa sa mga manggagawa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,441 total views

 21,441 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,854 total views

 38,854 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,498 total views

 53,498 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,344 total views

 67,344 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,431 total views

 80,431 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

Sa digmaan, lahat ay talunan

 1,477 total views

 1,477 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top