24,749 total views
Pinuna ng isang opisyal ng Church cooperatives at Governing Board Chairperson ng National Union of Cooperatives ang 20-percent na tax sa interest income mula sa savings deposit.
Inihayag ni Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila na hindi karapat-dapat ang pagpataw ng buwis sa taunang kita ng mga mayroong savings account sa bangko.
Sinabi ng pari na hindi beneficial sa mga mahihirap na mayroong savings account sa mga bangko ang ipapataw na buwis.
Kaugnay nito, hinimok ng pari ang mga mayroong bank account na ilipat ang kanilang savings o sumali sa mga kooperatiba.
Ayon kay Fr. Anton, ang mga kooperatiba ay tax free na ipinag-uutos ng batas at magiging kamay-ari ang sinumang sumali sa kooperatiba.
“A call to action since the government existence policy of 20% interest on savings and deposits is not beneficial to the savings of the poor, better join Cooperatives (COOP) nearest your place, COOPS transaction with members only are tax free enshrined in the Philippine Constitution,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr.Pascual
Tiniyak ni Fr. Pascual na ang paglalagak ng pera sa mga kooperatiba ay sama-samang kumikita ng yaman ang mga miyembro nito.
Iginiit ng opisyal ng UCC na ang mga kooperatiba ang tulay sa pag-unlad ng buhay ng mga miyembro higit na ang mahihirap na kasapi.




