FFW, pinuri ang encyclical ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,358 total reads

Kinilala ng Federation of Free Workers o FFW ang bagong encyclical ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas.

Isinusulong ng Magnifica Humanitas ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence o AI para sa kabutihang panlahat at pangangalaga sa dignidad ng tao.

Nagpapasalamat ang FFW sa Santo Papa sa encyclical na mahalagang paalala sa mabilis na paglago ng digital economy at paggamit ng AI sa mga lugar ng trabaho.

Iginiit ni Ateneo de Davao Grade School Faculty Union President Arlene Golloso-Degayo at board member ng FFW na dapat magsilbi ang teknolohiya sa tao at hindi gawing “kasangkapan” o disposable data ang mga manggagawa.

“From factory machines during the Industrial Revolution to today’s ‘thinking machines,’ the Church reminds the world of one timeless principle: technology must serve the human person — not reduce the human person into a tool or disposable data,” ayon sa mensahe ni Degayo na pinadala ng FFW sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ni FFW President Sonny Matula na maraming manggagawa ang nananatiling walang job security, living wage, social protection, at maayos na collective bargaining agreement sa kabila ng paglawak ng digital platforms.

Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga manggagawa sa digital economy na bumuo ng mga unyon, asosasyon, at workers’ collectives upang mas mapakinggan ang kanilang mga hinaing.

Binigyang-diin din ng FFW na habang tinatanggap nila ang pagbabago at pagtaas ng produktibidad, kinakailangan pa ring pairalin ang karapatang pantao, social justice, living wage, at pakikiisa ng mga manggagawa sa paghubog ng kinabukasan ng trabaho.

“The Holy Father’s message is clear: workers, the poor, and those in the peripheries of society must not be left behind by technological progress. They must be brought to the center of economic and political decision-making,”” ayon naman sa mensahe ni Atty.Matula na pinadala ng FFW sa Radyo Veritas.

Inihalintulad ng grupo ang Magnifica Humanitas sa Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na tumugon noon sa hamon ng Industrial Revolution, habang ang bagong encyclical naman ay nakatuon sa mga hamon ng digital age at AI-driven economy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,973 total reads

 84,973 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,016 total reads

 119,016 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,316 total reads

 154,316 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,585 total reads

 380,585 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,480 total reads

 269,480 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top