Opisyal ng Simbahan, dismayado sa kalihim ng transportasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Dismayado si dating CBCP – President Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz sa pahayag ni Department of Transportation secretary Arthur Tugade na ang kasalukuyang suliranin ng trapik sa Metro Manila ay isang “state of the mind” lamang.

Hinamon ni Archbishop Cruz ang kalihim ng D-O-T na sumakay sa mga pampublikong transportasyon upang malaman ang sakripisyong tinitiis ng mga commuters araw – araw sa dahil sa sobrang sikip ng daloy ng trapiko sa buong Metro Manila.

“Nakakatawa at nakakapagtaka na meron mga ganoong sinasabi na ‘state of the mind.’ Mabuti siya yung mag – isip at sumakay ng bus para makita niya kung ‘state of the mind,’ lang yun. … Sabihin rin sa mga opisina na pinapasukan na kapag late yung mga empleyado sabihin mo ‘state of the mind,’ yan,” pahayag ni Arcbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Pinaalalahanan rin ng Arsobispo si Tugade na magdahan – dahan sa binibitawan nitong mga salita at gawan na lamang ng agarang aksyon ang mga problema sa transportasyon ng publiko.

Nakikita naman ng Metro Manila Development Authority o MMDA na dahil sa pagdami ng sasakyan sa EDSA ang dahilan ng pagsikip ng trapiko na umaabot sa mahigit 300 libo ang dumaraan rito araw – araw.

Nauna na ring iminungkahi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaan na ayusin ang mass transport system upang guminhawa ang kanilang biyahe.

Ipinanukala din Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal na ayusin ang mass transportation,bawasan ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan at magkaroon ng disiplina sa pagitan ng mga commuters at drivers.

Watch: https://www.youtube.com/watch?v=nC7OngoIZgk

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 50,360 total reads

 50,360 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 87,554 total reads

 87,554 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 122,853 total reads

 122,853 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 349,123 total reads

 349,123 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 239,620 total reads

 239,620 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 294,123 total reads

 294,123 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,571 total reads

 406,571 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top