Out-going VP-Robredo, nagpasalamat sa PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total views

Pinasalamatan ni out-going Vice-president Leni Robredo sa serbisyo ng mga volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa nakalipas na halalan.

Ang mensahe ay ipinabatid ng pangalawang pangulo sa pamamagitan ng video message na nagbigay din ng pagkilala sa ginawang tungkulin na mapanatiling tapat at maayos ang 2022 national and local elections.

“To the PPCRV and to the many volunteers and volunteer groups who gave their time and effort in conducting the unofficial parallel count maraming maraming salamat sa inyong lahat. Alam kong batid ninyo na marami sa ating mga kababayan ang nababahala pa din sa naging pagdaraos ng huling halalan tiyak ko kahit papaano ay mas napapanatag sila dahil alam nila na nariyan kayo bilang mga taga-pangalaga ng ating boto,” bahagi ng mensahe Vice-President Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, kahanga-hanga ang pagsisikap ng mga volunteer para pangalagaan ang karapatan ng mamamayan sa pagpili ng bagong pamunuan ng pamahalaan ng inaasahang kapalit.

“Saludo ako sa pagpili ninyong maglingkod bilang parte ng mekanismong magtataguyod at magpoprotekta sa karapatan nating pumili ng pinuno. Hindi matatawaran ang kahandaan ninyong magpuyat at magpagod kahit hindi madali ang trabaho at walang materyal na kapalit ang inyong sakripisyo. Muli maraming maraming salamat sa inyo, mabuhay kayo at mabuhay ang malaya at malinis na halalan para sa sambayanang Pilipino.” Dagdag pa ni Robredo.

Una na ding nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng PPCRV sa tulong ng halos 500,000 mga PPCRV volunteers mula sa iba’t ibang parokya sa 86 na mga diyosesis sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 14,851 total views

 14,851 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 14,851 total views

 14,851 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 14,851 total views

 14,851 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 14,295 total views

 14,295 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 12,943 total views

 12,943 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top