Pag-alis ng arancel system, ipapatupad ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 853 total reads

Nagtipon-tipon ang mga pari, at lay leaders ng mga Parokya na sakop ng Arkidiyosesis ng Maynila para talakayin ang tungkol sa pamamahala sa mga parokya na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Ang kauna-unahang stewardship summit ng arkidiyosesis ay pinangunahan ni Bishop Broderick Pabillo ang katuwang na obispo ng Maynila.

Layon ng pagtitipon na magkaroon ng pagbabago at maalis ang arancel system sa mga parokya o ang pagbibigay ng exact rate sa mga serbisyo ng simbahan tulad ng pagtanggap ng mga sakramento.

“Ang isang goal natin ay matanggal ang arancel [system] and to promote more spirituality and more missionary aspects sa buong simbahan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Hangarin din ng pagtitipon na maisulong ang diwa ng paglilingkod sa kapwa at maipakita ang pagiging misyonero ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mamamayan.

Sa paunang pahayag ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, sinabi nitong mahalaga ang partisipasyon ng bawat mananampalataya sa pag-alis ng arancel system dahil bilang bahagi ng Simbahan dapat tumulong ito sa pagpapalawak ng mga serbisyo at paglilingkod sa kapwa.

Ito ay nakabatay sa sinasaad sa Second Plenary Council of the Philippines noong 1991 sa ilalim ng decree 118 hinggil sa ‘tithing’ at tuluyang pagbuwag sa arancel system.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na sa arancel system ay nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mahihirap na walang sapat na salapi para sa mga serbisyo ng Simbahan.

Iginiit ng Obispo na dapat mabago ang ganitong uri ng pananaw hinggil sa mga sakramento na dapat libreng matatanggap ng bawat mananampalataya.

Batay sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Evangelii Gaudium, dapat manatiling kumakalinga ang Simbahan sa mga dukha sa lipunan bilang pagpapahalaga sa kanilang hanay tulad ng mga gawain ni Hesus.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na maipahayag lamang sa mga dukha ang ‘preferential religious care’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo sa kanilang sektor.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa pakikisa ng mga Pari at mga laykong lingkod ng Simbahan ay maipatupad ang ibang pamamaraan sa paghahanap ng pondo para sa parokya bukod sa kasalukuyang arancel system.

“Sana pagkatapos nito [stewardship summit] pag usapan by parishes at desisyonan nila para maging operational na siya in 2021.” ani ni Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na kailangang magbalik handog sa Panginoon batay na rin sa nasusulat sa Bibliya bilang pasasalamat sa mga biyayang kaloob.

Hamon ng Obispo sa mga parish leader na agad matalakay at masimulan sa kanilang mga parokya upang magiging ganap na sistema ito ng Simbahan sa Pilipinas sa 2021 ang taon ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Ilan sa mga halimbawang maaaring ipalit sa arancel system na nakabatay din sa bibliya ay ang Handog Katiwala, Balik Handog, Handog Pananalig at Handog Pag-ibig o Love Offering na kusang loob lamang ng mananampalataya ang pagbibigay ng kanilang share sa Simbahan na walang itinakdang presyo.

Ilan sa mga diyosesis sa Pilipinas ang nagbuwag ng arancel system kung saan sa pamamagitan ng kanilang Basic Ecclesial Communities ay napapanatili ang operasyon ng mga Simbahan at tinatamasa ng nasasakupang mananampalataya ang libreng serbisyo at paglilingkod ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 19,195 total reads

 19,195 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 53,562 total reads

 53,562 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,044 total reads

 90,044 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 108,256 total reads

 108,256 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 191,585 total reads

 191,585 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top