Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PAG-UUSAP SA LIWANAG NG ESPIRITU (Conversation in the Spirit)

SHARE THE TRUTH

 6,355 total views

Homiliya para sa Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ni Hesus, 16 Marso 2025, Ika-2 Linggo ng Kuwaresma, Luke 9:28b-36

Ang kuwentong narinig natin sa ebanghelyo ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako gaanong kuntento sa translation ng transfiguration sa Tagalog na “pagbabagong-anyo.” Totoo, nagbago ang anyo ni Hesus, habang nasa gitna siya ng pakikipag-usap kina Moises at Elias. Totoo namang nakapagbabago ng anyo ang pakikipag-usap. Naalala ko ang sinabi ng isang testigo na nakasaksi ng pamamaril ng kapitbahay niya sa isang delivery man ng Grab. Nag-uusap daw ang dalawa at narinig niyang nagko-complain ang kapitbahay tungkol sa kundisyon ng delivery at ang pangangatwiran ng delivery man. Nagsimula daw magtaasan ang mga boses nila at nagsimulang magmurahan. Nakita daw niyang nagbago ang mukha ng kapitbahay sa tindi ng galit, nanlisik ang mga mata, at may kinuha sa kotse niya na baril pala, at pinagbabaril ang delivery man.

May kausap din si Hesus sa kuwento ni San Lukas, pero kakaibang pagbabago ang nakita ng mga alagad kay Hesus. Nagningning daw ang mukha, kumikislap ang damit sa kaputihan. Ang mas angkop na description sa ganyan ay pag-iibayong-anyo. Masyadong generic ang pagbabagong-anyo. Kapag in-love ang tao sa kausap niya makikita mo ang kakaibang ngiti at lagkit ng paningin. Kapag ngumiti sa iyo ang isang sanggol o bata, kahit gaano ka kasungit, parang matutunaw ang puso mo. O kapag siryoso at makabuluhan ang pinag-uusapan at malalim ang napupulot na aral ng bawat isa at may pagtatagpo ng kalooban.

Paano ba makakausap ni Hesus sina Moises at Elias gayong ilang daang taon ang mga pagitan ng mga panahon na kinalagyan nila? Ito ang problema kapag masyadong literal ang basa natin sa Bibliya. Nakukuha natin ang salita pero hindi ang kahulugan nito. Kaya nga natin kailangang pagnilayan dahil hindi porke’t narinig natin ang sinasabi ay nakuha na rin natin ang ibig sabihin. Sa Kapampangan, “amanu” ang tawag sa salita, at “amanuan” ang tawag namin sa ibig sabihin nito.

Sa mga Hudyo, si Moises ang sumisimbolo sa Batas, at si Elias naman sa mga Propeta. Ang Batas at Propeta—ito ang tawag nila sa Banal na Kasulatan o Bibliya. Ang nagbabasa at nagninilay sa Book of Genesis ay para bang “nakikipag-usap kay Moises”. Ang nagbabasa at nagninilay sa book of Jeremiah ay “nakikipag-usap kumbaga kay Elias.” Sabi ni San Lukas, nasa gitna ng pananalangin si Hesus nang magbagong-anyo siya. Ibig sabihin nagbabasa at nagninilay tungkol sa ilang mga pagbasa sa mga aklat ng Batas o Propeta.

Ginagawa rin natin ito kapag ginagamit natin ang Salita ng Diyos sa ating pananalangin at nagagabayan tayo nito sa pagharap natin sa mga hamon ng buhay. Pero hindi lang sa personal o sarilinan na pananalangin nagagawa. Gayundin sa mga okasyon tulad ng pagbi-Bibliya-rasal sa mga BEC. Katunayan, pinasikat ito ni Pope Francis sa Synod on Synodality bilang paraan ng “pakikinig sa bulong ng Espitu Santo” sa pamamagitan ng pakikinig natin sa isa’t isa. Tinawag niya itong mga “conversations in the Spirit”, o “pag-uusap na ginagabayan ng Espiritu Santo.”
Para kay Papa Francisco, ito ang pinakamabisang paraan ng konsultasyon, kapag ibig nating tuklasin nang sama-sama ang kalooban ng Diyos sa konteksto ng mga kasalukuyang karanasan at mga tanda ng panahon. Sa masusing pakikinig at magalang na bahaginan na humuhugot ng inspirasyon sa Salita ng Diyos, pwede nating marinig ang Diyos sa pamamagitan ng salita ng isa’t isa. Lalo na kapag natutukoy natin ang mga punto ng pagtatagpo ng mga kalooban ng mga nag-uusap. Kapag wala pang pagtatagpo, baka ibig sabihin wala pang mapagkasunduan. Baka kailangan pang ipagpatuloy ang pag-uusap. Sa ganyan lang pwedeng magbunga hindi lang ng pagbabago kundi ng pag-iibayong anyo ang ating mga samahan—sa pamilya, sa pamayanan, sa parokya, sa lipunan.

Sayang talaga kapag hindi na gaanong nakapag-uusap ang magpapamilya, kapag kahit sa hapag-kainan, nakatutok pa rin sila sa TV o sa cellphone. Sayang kapag dahil lang sa pagkakaiba ng pananaw sa pulitika o ng opinyon tungkol sa mga isyu, iiwas na sa pakikipag-usap ang mga magkakasama sa isa’t isa.

Lahat ng magagandang mga plano, proyekto, at institusyon ay bunga ng masusi, bukas-loob, magalang at matiyagang pag-uusap. Kapag natututo tayong makibuklod ng puso at diwa sa ating mga kapwa sa kabila ng ating mga pagkakaiba, mas mabilis natin naaabot ang mga bagay na totoo, mabuti at maganda, mga bagay na nagpapaningning sa atin pagkatao bilang kalarawan ng Diyos.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 79,886 total views

 79,886 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 87,661 total views

 87,661 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 95,841 total views

 95,841 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 111,382 total views

 111,382 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 115,325 total views

 115,325 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 1,294 total views

 1,294 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 1,296 total views

 1,296 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 1,463 total views

 1,463 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 2,012 total views

 2,012 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 2,662 total views

 2,662 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 9,847 total views

 9,847 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 4,555 total views

 4,555 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 8,308 total views

 8,308 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 7,439 total views

 7,439 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKITANG-DIYOS

 7,277 total views

 7,277 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18. Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

WATCH YOUR WORDS

 8,690 total views

 8,690 total views Homily for the 8th Sunday in OT, 2 Mar 2025, Lk 6:39-42 I woke up this morning wondering why the sound track of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PUTULIN?

 10,686 total views

 10,686 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Pebrero 2025, Mk 9:41-50 Ang pinaka-susi para maintindihan ang ipinupunto ng ating

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGPAPAKITA NG MGA BANAL

 7,925 total views

 7,925 total views Homiliya para sa Pyesta ng Birhen ng Kapayapaan Mission Station, Letre, Malabon city, Pebrero 25, 2025, Roma 8:28-30; Lucas 1, 26-38 Sana merong

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IRONY

 9,250 total views

 9,250 total views Homily for Friday of the 6th Wk in OT, 21 Feb 2025, Gen 11:1-9 & Mk 8:34-9:1 “What profit is there to gain

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

COVENANT WITH NOAH

 8,259 total views

 8,259 total views Homily for Thur of the 6th Wk in OT, 20 Feb 2025, Mk 8:27-33 “You are thinking not as God does, but as

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top