213 total views
Hindi naniniwala ang ilang Obispo na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, magandang pakinggan na bumaba at totoong kokonti na lamang ang naghihirap sa Pilipinas subalit hindi nararamdaman ng poor sector ang sinasabing kaunlaran.
Iginiit ng Obispo na lalo pang dumarami ang mga Filipino na naghihirap,walang trabaho at oportunidad sa ikabubuhay sa bansa.
“Sana totoo nga, marami pa rin ang nakikita kong mahirap at walang trabaho. Hindi bumababa sa mga mahirap. Saan ang magandang economy?”
Samantala itinuturing naman ni prelature ng Puerto princesa palwan bishop Pedro Arigo na pampap[ogi lamang ng matatapos na adminsaitrayon a ng resulta ng s urvey
Ayon kay Bishop Arigo isang propaganda o kunyaring legacy ng daang matuwid ang sinasabing pagbaba ng mga mahihirap sa bansa.
Ipinagmalaki at ikinatuwa ng Malakanyang ang inilabas na survey S-W-S na bumaba na sa 46-porsiyento ang nagsasabing gumanda ang kanilang kalagayan kabuuang 700 libong pamilya ang nakaahon sa kahirapan sa huling buwan ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III.