209 total views
Hindi totoo na bumaba ang bilang ng naghihirap na Filipino sa bansa.
Ito ang reaksyon ni dating CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz kaugnay ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong first quarter ng 2016 na nasa 46% ng pamilyang Filipino ang nagsabing sila ay mahirap kumpara sa 50% noong 2015 sa parehong panahon.
Ayon sa Arsobispo, Sa pagbisita niya muli sa Baseco, Tondo Maynila at sa Intramuros marami pa rin ang nakatira sa ilalim ng tulay at sa mga bangketa na ang sapin ay karton lamang.
Sinabi ni Archbishop Cruz, kung totoo ang survey, nabawasan sana ang mga taong dati niyang nakikita sa nasabing mga lugar.
“Sana po totoo, yun nga po ang kailangan at gusto natin, last week galing ako sa Baseco, sa ilalim ng tulay ng delpan at mga kanal, hindi po eh, andun din po sila, hindi po totoo yan, sorry, sorry sana mali ako, kapag lumakad ako sa Intramuros, ang mga natutulog sa bangketa ang kanilang sapin karton, ang tatay natutulog sa tricycle ewan ko baka hindi naman wasto ang aking nakikita.” Ayon kay archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa 2016 survey nasa 10.5 milyong pamilyang Filipino ang nagsabing mahirap sila kumpara sa 11.2 milyon noong 2015