Pagbasura ng Korte Suprema sa lahat ng petisyon laban sa Anti-Terror law, ikinalulungkot ng TFDP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,030 total reads

Dismayado ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa naging pinal na desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kontrobersiyal na Anti-Terror Law kung saan ibinasura ang mga ‘motion for reconsideration’ ng tatlumpo’t pitong grupo na naghain ng petisyon laban sa batas.

Ayon kay Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. – chairperson ng TFDP, isang banta ang naturang batas laban sa kalayaan ng bawat isa na magpahayag ng saloobin at pagpuna sa paraan ng pamamahala sa bansa.

Ikinababahala ng Pari na siya ring Executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na magamit ang Anti-Terror Law sa patuloy na red-tagging, pang-aabuso, pagpatay at pagpapakulong sa mga kritiko ng pamahalaan partikular na ang mga human rights defenders, environmental activists, at mga climate justice rights defenders.

“TFDP regrets that the Supreme Court denied with finality the motions for reconsideration regarding the Anti-Terror Law. The death-dealers will have a heyday weaponizing this law to red tag, harass and even imprison and kill human rights defenders, environmental activists, climate justice rights defenders and all who raise their voices in dissent,” pahayag ni Fr. Buenafe

Tiniyak naman ng Pari ang patuloy na pananalangin upang hindi magamit ang Anti-Terror Law para sa kasamaan at para sa pagpapatahimik ng mga kritiko ng pamahalaan.

Iginiit ni Fr. Buenafe na ang pag-unlad ng isang bansang mayroong demokrasya ay hindi lamang dahil sa tuwinang pagsang-ayon ng mamamayan sa paraan ng pamamahala sa bansa sapagkat mahalaga rin ang pagkakaroong isang malayang pagdaloy ng mga ideya, saloobin at pananaw ng bawat mamamayan sa lipunan.

“We pray that the Anti-Terror Law will not be used to silence dissent. A democracy thrives on dissent and a free flow of ideas,” dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Kabilang sa tatlumpot pitong grupo na naghain ng petisyon laban sa Anti-Terror Law ay ang CMSP na dating kilala bilang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) dahil na rin sa banta ng naturang batas sa Freedom of Religious Expression.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,031 total reads

 19,031 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 212,384 total reads

 212,384 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 244,115 total reads

 244,115 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 345,938 total reads

 345,938 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 386,500 total reads

 386,500 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 398,702 total reads

 398,702 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top