Gobyerno, hinamon ng EILER na tutukan ang kapakanan ng manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,505 total reads

Inaasahan ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ito ang mensahe ng grupo sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa May 01.

Inihayag ni Rochelle Poras, Executive Director ng EILER, na nararapat pahalagahan ng pamahalaan ang mga manggagawa dahil sila ang nagsasalba sa sektor ng ekonomiya.

Pananalangin din ng EILER mawakasan na ang “contractualization” na nagpapahirap sa kabuhayan ng mga manggagawa.

“Panalangin natin na makamit ng mga manggagawa ang dignidad sa paggawa: ang magkaroon ng nakabubuhay na sahod na sasapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya, ligtas na lugar-paggawa, at angkop na proteksyon at suportang panlipunan sa mga panahong nagigipit ang mga manggagawa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Poras sa Radio Veritas.

Tiwala din si Poras na nananatili ang simbahan na kaagapay ng mga manggagawa sa tulong ng mga labor ministry at commissions.

Nanindigan si Poras na dapat ipagmalaki ng bawat binyagang katoliko na si San Jose na kumupkop at nag-alaga sa Panginoong Hesukristo ay ang Patron ng mga Manggagawa.

“Ang simbahan ay katuwang ng mga manggagawa sa pagkilala sa karapatan at dignidad sa paggawa. Sa pamamagitan ng mga Labor Desk ng simbahan ay nagkakaroon ng ugnayan at tulungan na higit na nakakapagpalakas ng boses ng mga manggagawa. Mahalagang maipagmalaki ng mga manggagawa na ang ama ni Kristo na si San Jose ay isa ring manggagawa. Sa gayon, hindi mahirap isipin na sila rin ay maaaring maging mga tagapaghatid ng tunay na pagbabagong panlipunan,” pagbabahagi pa ni Poras.

Una naring ipinananawagan ni Balanga Bishop Ruperto Santos na piliin ang mga kandidatong tutuparin ang kanilang mga plataporma’t uunahin ang kapakanan at hindi aabusuhin ang karapatan ng mga manggagawa.

Nawa ayon sa Obispo ay gawing ding huwaran ng mga mamamayan si San Jose na Manggagawa na walang pag-aatubiling sinunod ang mga utos ng Diyos sa pagpili ng mga susunod na lider na magsasabuhay ng layunin ng Panginoon para sa lipunan.

Noong May 01 1903 ng unang gunitain ang araw ng paggawa sa Pilipinas matapos isagawa ang kilos-protesta sa pangunguna ng Union Obrero Democratia de Filipinas (UODF) upang ipananawagan sa pamahalaan ang pantay at may dignindad na karapatan ng mga manggagawa.

May 01, 1913 naman nang unang ideklara at ganap na maisabatas ang International Labor day bilang National Holiday.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,634 total reads

 19,634 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 213,537 total reads

 213,537 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 245,268 total reads

 245,268 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 347,091 total reads

 347,091 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 387,653 total reads

 387,653 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 399,807 total reads

 399,807 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,635 total reads

 19,635 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top