Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbuwag sa rally ng mga katutubo, hindi makatao

SHARE THE TRUTH

 381 total views

Hindi naaangkop ang ginawang hakbang ng mga otoridad sa mga Moro at Lumad na nagprotesta sa harap ng US Embassy sa Maynila kahapon.

iginiit ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – chairman ng Ecumenical Bishops Forum na hindi makatao at asal hayop ang paggamit ng dahas ng mga otoridad sa nagpoprotestang mga katutubo na gusto lamang ipaabot ang mga hinaing sa pamahalaan.

Binigyan diin ng Obispo na dapat na respetuhin at kilalanin ang mga katutubo bilang kapwa Filipino na nararapat maging bahagi ng mga programa ng pag-unlad.

“Ito ay isang malungkot na reaksyon ng ating pamahalaan o nung mga nasa likod nitong dahilan kung bakit ang ating mga katutubo ay nakaranas ng kapahamakan pero sana ay ating makilala na ang mga katutubo ay mga kasamahan natin sa ating bansa at sila rin ay mayroon mga karapatan at sila rin ay dapat nating sikapin na mapasama sa kabutihan na dapat na tamasahin natin na sama-sama at ito sa paglilingkod ng ating pamahalaan…”pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.

Naunang tiniyak ni PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Dionardo Carlos ang masusing imbestigasyon at pagpapanagot sa sinumang mapapatunayang may sala sa naging marahas na dispersal.

29 sa mga nagprotestang katutubo ang inaresto ng Manila Police District (MPD) habang nasa 50 naman ang sugatan sa naganap na pananagasa ng isang police mobile.

Ayon sa PNP nasa kustodiya na ng NCRPO si PO3 Franklin Kho na siyang nagmamaneho sa naturang sasakyan.

Samantala, binigyang diin nga ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa mga katutubo na syang pangunahing tagapangalaga ng kapaligiran.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 134,236 total views

 134,236 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 142,011 total views

 142,011 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 150,191 total views

 150,191 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 164,846 total views

 164,846 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 168,789 total views

 168,789 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TFDP, may bagong executive director

 16,544 total views

 16,544 total views Nagtalaga ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ng bagong executive director na mangangasiwa sa pagpapatuloy ng misyon ng organisasyon para sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top