Pagbuwis ng buhay at matinding pinsala, maiiwasan sa nagkakaisang Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Nanawagan ang Prelatura ng Infanta ng pagkakaisa at ibayong pagtutulungan sa pagitan ng iba’t-ibang mga diyosesis at institusyon ng simbahang katolika lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Rev. Fr. Israel Gabriel, Social Action director ng Prelatura ng Infanta sa lalawigan ng Aurora, kailangan paigtingin ang pagtutulungan ng mga sangay ng Simbahan para mas maging epektibo ang pagtugon sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Aminado si Fr. Gabriel na 90 porsyento ng mga munisipalidad sa lalawigan ng Aurora ay lantad sa pinsala na maaring idulot ng mga dumaraan na bagyo dahilan upang maging suliranin ang komunikasyon at maagap na pagtugon.

Umaasa ang pari na kung ang pagtutulungan ay hindi lamang sa loob ng isang diyosesis isasagawa, ay mas magiging mabilis at epektibo ang kanilang pagkilos.

“Ang ganda siguro ng tulungan ng mga magkakalapit na Dioceses, isa yun sa mga pinapangarap ko. napakahalaga yun pagtulong ng ibang dioceses and I think yun ma-tap ng simbahan at mapag ugnay-ugnay ang lahat ng Dioceses especially yung mga magkakatabi,” pahayag ni Fr. Gabriel sa panayam ng Radio Veritas.

Labis naman ang pasasalamat ni Fr. Gabriel sa ginagawang ugnayan ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahan sa oras ng kalamidad.
Aniya, malaki ang naitulong nito lalo na nang maganap ang pananalasa ng bagyong Lando noong taong 2015 kung saan malaking bahagi ng lalawigan ng Aurora ang naapektuhan.

“Kasi pa minsan-minsan caught up na kami sa aming sitwasyon pero kapag tumatawag kayo [Veritas846] parang gumagaan, kasi mayroon tayong mga ka-partner sa labas na hindi tayo pinababayaan.”pahayag ni Father Gabriel sa Radio Veritas.

Ang prelatura ng Infanta ay kabilang sa mga diyosesis na nais tipunin ng Caritas Manila, NASSA-Caritas Philippines at Radyo Veritas bilang bahagi ng programang “Oplan Damayan” o ang pagtutulungan ng mga diyosesis sa silangan bahagi ng bansa na madalas makaranas ng mapaminsalang kalamidad.

Magugunitang kada taon ay umaabot sa halos 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 105,380 total reads

 105,380 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 181,975 total reads

 181,975 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 215,423 total reads

 215,423 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 250,723 total reads

 250,723 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 473,159 total reads

 473,159 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 112,075 total reads

 112,075 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top