Pagdadala ng bag sa loob ng Simbahan, ipinagbawal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total views

Ipinagbabawal na ang pagdadala ng mga bag tulad ng mga backpack at knapsacks sa loob ng simbahan sa Archdiocese of Davao.

Ito ayon sa inilabas na circular letter ni Davao Archbishop Romulo Valles bilang bahagi ng ‘security measure’ na ipinatutupad ng simbahan sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police.

Ang liham ay may petsang January 29, 2019 na ipinadala sa mga parokya at mga kapilya sa Davao upang ipaalam sa mga mananampalataya ang kautusan bilang bahagi ng pag-iingat na ipinapatupad.

Ayon pa sa liham ni Archbishop Valles, tanging malilit na bag lamang ang maaring ipasok sa loob ng mga simbahan.

“Brothers and Sisters, due to the current peace and order situation vis-à-vis of violence, please be informed that starting today, for all churchgoers, is not allowed to bring with you bags, backpacks, knapsacks, boxes, cartons and the like into the church. Only small purses and the like are allowed. Please be guided accordingly,” ang bahagi ng circular letter ni Archbishop Valles.

Ang kaparehong kautusan ay una na ring ipinag-utos ni Davao City Mayor Sarah Duterte para sa mga simbahan at lahat ng lugar dalanginan dulot na rin ng naganap na pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ang Davao ay nasasakop sa umiiral na martial law sa buong Mindanao habang ipinag-utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘heightened alert’ sa buong bansa.

Linggo (January 27) nang maganap ang pagsabog sa Jolo Cathedral kung saan 27 ang nasawi, habang dalawa naman ang nasawi sa pinakahuling pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 61,083 total views

 61,083 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 83,193 total views

 83,193 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 159,024 total views

 159,024 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 158,586 total views

 158,586 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top