Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtulak sa Cha-cha

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Mga Kapanalig, sa isang talumpati sa Cotabato City noong ika-18 ng Enero, nasabi ni Pangulong Duterte na bukás siyang amyendahan na lamang ang ilang probisyong pang-ekonomiya sa ating Saligang Batas. Ang konteksto ng kanyang pahayag ay ang kanyang pagkadismaya umano sa napakabagal na pag-usad ng usaping pagbabago ng sistema ng pamahalaan tungo sa pederalismo.

Sa mga nagtatanong kung isinusuko na ba ng pangulo ang pagtutulak sa pagpapalit ng uri ng gobyerno tungo sa pederalismo, ang kanyang tagapagsalita ay muling nagtangkang ipaliwanag ang tunay na ibig sabihin ng pangulo. Ang sabi ng tagapagsalita, humahanap lamang daw ng malikhaing paraan ang pangulo upang baguhin ang Saligang Batas, subalit ang papapalit pa rin daw ng uri ng pamahalaan tungo sa pederalismo ang kanyang layunin.

May dalawang mahalagang bahagi ang paliwanag na ito na nainam na suriin bilang mga mamamayang Kristiyano. Una, kung totoong itinutulak pa rin ng pangulo ang pagbabago ng Saligang Batas upang itatag ang isang pederal na sistema ng pamamahala, nararapat lamang niyang liwanagin kung sinasang-ayunan ba niya ang kasalukuyang bersyon ng panukalang Saligang Batas na inilabas ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Sinasabing inaalis sa bersyong iyon ang term limits sa panunungkulan ng mga halal na opisyal, at hindi rin nito ipinagbabawal ang matagal nang tinututulan ng taumbayan na mga political dynasties. Taliwas ito sa rekomendasyon ng Consultative Committee na itinalaga mismo ni Pangulong Duterte upang repasuhin ang Saligang Batas ng 1987. Hindi pa nagpapahayag hanggang ngayon ng tahasang pagtutol o pagsang-ayon ang Pangulo sa mga usapin tungkol sa term limits at political dynasties, mabibigat na mga usaping magiging malaki ang implikasyon sa lalo pang pagpapahina ng demokrasya sa ating bansa. Kung layunin ng pamahalaang ituloy ang pagbabago tungo sa pederalismo, bakit hindi hayagang pag-usapan at kilatising mabuti ang mga panukalang nakasalang ngayon, isa rito ang resolusyong inilabas ng Mababang Kapulungan?

Ikalawa, kung ang sinasabi ng tagapagsalita ng pangulo ay inuuna muna ng pangulo ang pagtutulak ng mga economic provision” na nais niyang baguhin, at ipinapalagay na isa na rito ay ang mga probisyong naglilimita sa mga dayuhang pamumuhunan, o foreign investments, bakit hindi hayagang ipinaliliwanag kung anu-ano ang mga nais baguhin upang mapag-aralan, mapag-usapan, at mapagdebatehan ang mga ito ng mga mamamayan.

Tulad ng ginawang pagbubuo ng Mababang Kapulungan ng sariling bersyon nito ng panukalang Saligang Batas na hindi dumaan sa malawak na pagtatalakayan at pag-aaral ng mga mamamayan, hindi kaya ganito rin ang maaring gawin patungkol sa pagbabago ng mga economic provisions? Baka mabulaga na lamang ang taumbayan na may desisyon na ang mga tinaguriang mga kinatawan nila ukol sa economic provisions, subalit hindi man lamang naipaalam ng mga mamamayan ang kanilang paninindigan ukol sa mga ito sapagkat hindi naman ito hayagang pinag-uusapan.

Lubhang mapanganib ang ganitong uri ng pagpapasyang hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang makilahok at hindi isinasaalang-alang ang paninindigan at kagalingan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Taliwas din ito sa itinuturo ng ating Simbahan. Bagama’t hindi tahasang ipinagbabawal ang pakikilahok ng mga mamamayan sa isyu ng Cha-cha, ang pagkukubli sa mga mamamayan ng tunay na layunin ng mga namamahala, ang kawalan ng hayagan at malawak na talakayan ng mga panukalang batas, at ang mabilisang pagpapasya ng mga gumagawa ng mga batas nang kulang ang impormasyong ipinaaabot sa tao ay para na ring pagkakait sa mga mamamayan ng kanilang karapatang makilahok sa buhay pampulitika at panlipunan ng bansa.

Mga Kapanalig, hinihingi ng mga panahong ito ang ating pagiging mulát at alisto bilang mga Kristiyanong mamamayan. Tungkulin nating alamin at lahukan ang mga usaping magtatakda ng kinabukasan ng demokrasya sa ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,796 total views

 1,796 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,769 total views

 7,769 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,524 total views

 13,524 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,787 total views

 20,787 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,772 total views

 28,772 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,798 total views

 1,798 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,771 total views

 7,771 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,526 total views

 13,526 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,789 total views

 20,789 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,774 total views

 28,774 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,132 total views

 35,132 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,136 total views

 47,136 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,178 total views

 55,178 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,735 total views

 46,735 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,160 total views

 45,160 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,946 total views

 46,946 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,871 total views

 43,871 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,185 total views

 58,185 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,875 total views

 61,875 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,478 total views

 60,478 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top