St.Michael The Archangel Parish, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Umaapela ng tulong ang parokya ng St. Michael the Archangel sa Orion Bataan para sa mga biktima ng sunog na naganap sa Depensa Capunitan, Orion Bataan.

Ayon kay Jobert Sabino, Parish Coordinator ng parokya, malawak ang pinsala ng sunog sa lugar at karamihan sa mga residente ay walang naisalbang mga gamit.

Batay sa inisyal na ulat, mahigit sa 600 pamilya ang nasunugan o katumbas sa mahigit 2,000 indibidwal ang apektado sa trahedya sa baybaying dagat ng Orion.

Ibinahagi ni Sabino na nagpaabot ng paunang tulong ang parokya sa pamamahagi ng pagkain sa mga apektadong mamamayan.

Sa kasalukuyan, kontrolado na ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa lugar subalit patuloy pa rin ang clearing operations dahil sa makakapal na usok.

Dahil dito, nanawagan si Sabino sa mamamayan na tulungan ang mga nasunugan upang maibsan ang paghihirap na idinudulot ng malawakang sunog.

“Nananawagan po kami dito sa Depensa, Capunitan Orion Bataan dahil po ay napakaraming parishioners natin ang nasunugan, may mga kasama din tayong naglilingkod sa Simbahanat active din po na naging biktima ng sunog. Kung mayroon po kayong maipapadala tulong, canned goods, or cash relief, damit o kahit anong bagay na makatutulong sa mga biktima,” pahayag ni Sabino sa Radio Veritas.

Kumikilos na rin ang Simbahan ng Orion para matulungan ang mamamayan na makababangon sa trahedyang dinanas ngayong araw na ito.

“Nag-iisip po kami paano matutulungan ang mga nasunugan in the long run,” dagdag ni Sabino. Una nang tiniyak ng Simbahang Katolika ang pagtulong sa mga mamamayang maapektuhan ng kahit anong uri ng kalamidad sa lipunan sa pangunguna ng mga social action centers ng bawat parokya at ng Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 74,721 total reads

 74,721 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 122,529 total reads

 122,529 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 170,400 total reads

 170,400 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 274,347 total reads

 274,347 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 356,963 total reads

 356,963 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top