Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdiriwang ng kapistahan ng Ina ng Penafrancia, inihayag ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

 703 total views

Inihayag ng Archdiocese of Caceres ang planong pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa pamamagitan ng solemn thanksgiving bilang patuloy na pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

Tatlong buwan bago ang buwan ng Setyembre na isang mahalagang panahon para sa mga Bicolanong mananampalataya ay muling umapela ng pag-unawa at pakikipagtulungan si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona para sa mga pagbabago sa nakatakdang paggunita ng Peñafrancia Festival 2021.

Nasasaad sa panibagong sirkular ni Archbishop Tirona kaugnay sa paghahanda para sa Peñafrancia Festival ang ilang mga pagbabago sa mga karaniwang aktibidad para sa kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia. Ipinaliwanag ng Arsobispo na dapat gamiting pagkakataon ng mga mananampalataya ang kasalukuyang panahon upang higit na mapag-alab ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagninilay kasama ang buong pamilya sa tahanan.

“We recognized the longing of many devotees for the traditional devotional practices. Truly, such practices have contributed to the propagation of the devotion. But given the fact that the COVID-19 pandemic continues to be a threat to public health, it is of higher value to celebrate the Peñafrancia Festival in solemn thanksgiving to our Ina who has always protected us from harm.”bahagi ng sirkular ni Archbishop Tirona.

Karaniwang dinadagsa ng mga turista at mananampalataya mula sa iba’t ibang panig ng bansa partikular na ng mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at maging sa Divino Rostro o Holy Face of Jesus ang Naga City tuwing buwan ng Setyembre upang makibahagi sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.

Ayon sa Arsobispo, maari pa ring magkaisa ang mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa pagpapamalas ng kanilang debosyon mula sa kanilang mga tahanan na mas ligtas at naaangkop na paraan bilang pag-iingat ngayong panahon ng pandemya.

“As the pinnacle of our Marian feast, the Peñafrancia Fiesta unites devotees from different geographies and generations. This year, the fiesta will unite devotees in prayer and reflection while we strictly observe health protocols and other precautionary measures.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Nilinaw rin ni Archbishop Tirona na bagamat hindi muli maipapamalas ng mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia ang kanilang maalab ng debosyon sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan ay hindi naman ito kabawasan sa mga biyaya at mga pagpapala na igagawad ng Mahal na Ina.

Tema ng Peñafrancia 2021 ngayong taon ang “Sharing the Gift of Faith in the Spirit of the Faithful Obedience of Mary and Joseph” na naglalayong maging huwaran ang kababaan ng loob at pananampalataya ang Mahal na Birheng Maria at ni San Jose.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 54,694 total views

 54,694 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 66,411 total views

 66,411 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 87,244 total views

 87,244 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 102,874 total views

 102,874 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 112,108 total views

 112,108 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 6,030 total views

 6,030 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 6,641 total views

 6,641 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top