386 total views
Tiniyak ng Diocese of Sorsogon ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kasunod ng kumpirmasyon ng kauna-unahang kaso ng pagpositibo sa COVID-19 ng isang pari ng diyosesis.
Nasasaad sa inihayag na Diocesan COVID-19 Task Force statement ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ang kumirmasyon ng pagpopositibo sa COVID-19 ni Msgr. Felix B. Elegado, Jr. na siyang Vicar General ng diyosesis at kura paroko ng St. Anthony of Padua sa Gubat, Sorsogon.
Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng Diocesan COVID-19 Task Force ay handa ang diyosesis na makipagtulungan partikular na sa Municipal Health Office ng Gubat upang matiyak na masunod ang mga naaangkop na protocol at mapigilan ang higit pang paglaganap ng sakit.
“It is with a sad note that we inform you of the first COVID-19 positive among our clergy. Today we were informed that Msgr. Felix B. Elegado, Jr., my Vicar General and Parish Priest of St. Anthony of Padua in Gubat tested positive for COVID-19. The Diocesan COVID-19 Task Force is now in coordination and fully cooperating with the Local Covernment Unit and the Municipal Health Office of Gubat. Instructions and directives had already been given on how to observe the necessary protocols in the light of this situation.” bahagi ng Diocesan COVID-19 Task Force statement ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo.
Muli namang umapela ang Obispo sa mga lingkod ng Simbahan at mga mananampalataya sa diyosesis na higit pang paigtingin ang pananalangin upang tuluyang mawakasan ang pagkalat ng COVID-19 na patuloy na nagdudulot ng panganib at banta sa buhay ng bawat isa.
Ipinapanalangin rin ni Bishop Dialogo ang paggabay at pamamagitan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia upang ipag-adya ang bawat isa mula sa malawakang krisis na dulot ng COVID-19.
“We once again enjoin all the clergy and the faithful to not cease in praying and offering our petitions for the resolution and end to this pandemic. We also continue to implore the aid of our mother, the Lady of Peñafrancia to always cover us with her mantle of protection.” Dagdag pa ni Bishop Dialogo.
Batay sa pinakahuling COVID-19 Regional Case Summary ng Department of Health – Bicol Center for Health Development, mula Marso noong nakalipas na taong 2020 hanggang ika-9 ng Hunyo ng kasalukuyang taon umaabot na sa 14,280 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region kung saan sa kasalukuyan ay may 4,813 ang active cases