VeritasPH

The Word, The Truth

 249 total views

Mga Kapanalig, pinirmahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang Miyerkules ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022. Isinabatas ito limang taon matapos pumutok ang giyera sa lungsod dahil sa pagpasok doon ng mga kasapi ng Maute Group na itinuturing ng pamahalaan bilang isang teroristang grupo.

Itatatag ng nasabing batas ang Marawi Compensation Board na tatanggap at susuri sa mga aplikasyon para sa monetary compensation. Ang Marawi Compensation Board ay kabibilangan ng isang doktor, isang certified public accountant, isang guro o educator, at isang lisensyadong engineer. Dapat ding abogado ang tatlong miyembro ng board, at mas mabuti kung sila ay mga Maranao. Dalawa naman ang magmumula sa civil society organizations, at ang isa sa kanila ay dapat na Sharia lawyer o Muslim traditional leader.

Makatatanggap ng danyos perwisyo ang mga kaanak ng mga residenteng namatay (o pinaniniwalaang namatay) at nawalan ng ari-arian sa gitna ng digmaang nagsimula noong Mayo 2017 at tumagal ng limang buwan. Bibigyan sila ng isang taon upang magpasa ng kanilang application. Hindi na rin pagbabayarin ng buwis ang mga may-ari ng mga nasirang gusali sa loob ng tinatawag na main affected areas (o MAA) at other affected areas (o OAA). Babayaran din ng pamahalaan ang mga may-ari ng gusaling sinira upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng Marawi.

Hindi kailanman matutumbasan ng anumang halaga ang sakripisyo at paghihirap na pinagdaanan ng mga kababayan natin sa Marawi dahil sa kaguluhang hindi naman nila kagustuhan. Gayunman, malaking tulong ang danyos perwisong matatanggap ng mga biktima ng giyera matapos maipasa ang Marawi Siege Victims Compensation Act, at hangad nating magiging madali at mabilis ang pagtanggap ng kompensasyon ng mga biktima. Makatutulong ito sa kanila sakaling payagan na silang makabalik sa dati nilang tirahan at itayong muli ang kanilang tahanan at kabuhayan.

Hindi man kasama sa mga maaaring mabigyan ng kompensasyon ang mga kababayan natin doon na hindi nagmamay-ari ng anumang gusali at walang ari-arian, bibigyan naman daw sila ng pabahay. Sila ang karamihan sa mga pamilyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik sa Marawi. Sa datos ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, hindi bababa sa 17,000 pamilya (o mahigit 85,000 na indibidwal) na naapektuhan ng Marawi siege ang hindi pa rin nakababalik sa lungsod. Binubuo nila ang pinakalamaking bahagdan ng mga displaced persons sa Mindanao. Libu-libo pa rin ang mga nasa tinatawag na transitory sites kung saan pahirapan ang mga pagkakaroon ng hanapbuhay at pagkamit ng mga batayang serbisyo. May ilan nang inilipat sa mga pabahay ng gobyerno ngunit kilu-kilometro ang layo ng mga ito sa lungsod kung saan sila noon naghahanapbuhay.

Malayo pa ang lalakbayin ng mga kababayan natin sa Marawi upang itayong muli hindi lamang ang kanilang mga bahay kundi pati ang kanilang buhay. At malaking bahagi nito ang pagtatatag ng tunay na kapayapaan sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang kapayapaang ito, wika nga ni Pope Paul VI sa ensiklikal niyang Populorum Progressio, ay hindi lamang ang kawalan ng giyera. Ito ay nakakamit sa unti-unting pagtatatag ng kaayusang niloloob ng Diyos at naggagawad ng katarungan sa lahat. Kung maipatutupad nang tama, ang Marawi Compensation Act ay isang hakbang tungo sa pag-iral ng katarungan, pagtulong sa mga mahihirap, at pagtatanggol sa mga ulila at biyuda, katulad ng mababasa natin sa Isaias 1:17.

Mga Kapanalig, malaki ang implikasyon ng resulta ng darating na eleksyon sa maayos na pagpapatupad ng Marawi Compensation Act. Tiyakin nating ang pipiliin nating mga pinuno ng bayan ay iyong tunay na kumakalinga sa mga kababayan nating Maranao at napatunayan nang tumutulong sa paghilom sa Marawi. Tiyakin nating mapakikinabangan ng mga kababayan natin ang batas na ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,006 total views

 4,006 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 19,992 total views

 19,992 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,037 total views

 28,037 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,117 total views

 33,117 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,823 total views

 38,823 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,007 total views

 4,007 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 19,993 total views

 19,993 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,038 total views

 28,038 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,118 total views

 33,118 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,824 total views

 38,824 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,357 total views

 44,357 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,282 total views

 41,282 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,596 total views

 55,596 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,286 total views

 59,286 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,889 total views

 57,889 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,876 total views

 67,876 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,844 total views

 71,844 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,731 total views

 82,731 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,170 total views

 95,170 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,928 total views

 105,928 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top